Pagtanggap at tamang pagpapatupad ng batas, ngunit higit sa lahat integrasyon: tanggalin ang mga hadlang sa pagitan ng mga Italians at mga imigrante. Ito ang tinukoy na Pangulo ng Republika Sergio Matarella sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng taong 2015. Narito ang bahaging nakalaan sa imigrasyon:
“Sa panahong ito na malalaking masa ng mga mamamayan ang lumilikas, kahit patungong ibang kontinente, upang takasan ang digmaan o ang gutom, o dahil sa simpleng paghahanap ng mas magandang buhay. Karamihan sa mga kababaihan, kalalakihan at mga bata ang namamatay sa karagatan, tulad ng batang si Aylan, na sa kasalukuyan, sa kasamaang-palad ay hindi namamalayan ng marami.
Ang migrasyon ay sanhi ng maraming dahilan at nagtatagal ng mahabang panahon. Hindi maaaring dayain ang mga sarili upang madaling tapusin ito, ngunit ito ay maaaring pamahalaan. At kailangan itong pamahalaan. Maari itong gawin sa pamamagitan ng mas epektibong European Union at tayo ay ating patuloy na nananawagan dito.
Ito ay nangangailangan ng mga karaniwang batas upang kilalanin kung sino ang tumutakas buhat sa digmaan o pag-uusig at samakatwid ay may karapatan sa asylum at ibang migrante na dapat naman ay pabalikin sa sariling bansa, ngunit tiyakin palagi ang makataong pamamaraan.
Kinilala ng bansang Italya sa pinakamahusay na paraan, sa nagdaang dalawang siglo, ang paghihirap at pakikibaka ng sinumang iniwan ang sariling bansa at nagtungo, bilang migrante sa malayong lugar. At ating bansa ay itinuring na isang Bansa ng Imigrasyon. Maraming mga komunidad ang regular na namumuhay sa ating bansa, na karaniwang mahusay na tinatanggap ng mga Italians. Sa katunayan, ay ipinagkakatiwala sa mga manggagawang dayuhan ang kanilang mga mahal sa buhay tulad ng anak, magulang at tahanan.
Ating tinutuksan araw-araw, sa mga paaralan, sa pamilihan, sa trabaho ang positibong karanasang dulot ng integrasyon ng mga mamamayan buhat sa ibang bansa, ibang kultura at ibang relihiyon. Ang 70 % ng mga dayuhang mag-aaral sa Italya, ayon sa Istat, ay kaibigang matalik ang kababatang Italyano. Kailangang pag-ibayuhin ang pagsusumikap upang tuluyang matanggal, sa parehong partes, ang paghatol at kawalan ng tiwala bago maging balakid ito at pagmulan ng galit at marginalization.
Nangangailangan ng hospitalization at nangangailangan din ng angkop na paghihigpit sa pagpapatupad ng batas. Ang sinumang pumapasok sa Italya ay kailangang igalang ang batas at kultura ng aming bansa. Kailangang sila ay tulungang maunawaan ang wikang italyano, na mahalagang aspeto ng integrasyon. Gayunpaman, marami ng mga imigrante ang sumusunod sa batas, tapat na naghahanapbuhay at nagsusumikap makatulong sa ating kapakanan at bahagi ng sistema ng social security ng bansa sa pamamagitan ng pagbabayad ng higit sa kaban ng bayan kumpara sa kanilang tinatanggap.
Ang mga imigrante na, sa halip, ay gumagawa ng krimen ay kailangang pigilan at parusahan, tulad ng mga Italians na gumagawa ng krimen. Ang mga mapanganib ay kailangang patalsikin. Ang mga komunidad ng mga dayuhan sa Italya ay tinatawag upang tumulong sa mga institusyon laban sa mga naghahasik ng galit at laban sa mga gumagawa ng masama”.