Pinalalawak ng Hukom ng Brescia ang mga benepisyaryo ng maternity allowance. Ito ay kailangan upang masiguro ang maayos na kundisyon ng pamumuhay.
Roma, Oktubre 20, 2015 – Walang pagkakaiba ang lahat ng mga Nanay. Ang mga hindi makakapag-trabaho dahil sa pagkakaroon ng bagong silang na sanggol ay kailangang tulungan anuman ang kanilang nasyunalidad o anuman ang uri ng permit to stay na hawak.
Ang kalalabas lamang na hatol ng Hukuman ng Brescia ay pinalalawak ang mga benepisyaryo ng maternity allowance na nakalaan para sa mga hindi regular at hindi tuluy-tuloy na trabaho o ang tinatawag na assegno di maternità per lavoratori atipici o discontinui. Ito ay tumutukoy sa isang tulong pinansyal na nagkakahalaga higit sa 2,000 euros buhat sa estado, at ibinibigay sa mga working mothers na kahit nagbayad ng kontribusyon ay hindi naka-kumpleto sa requirements para matanggap ang ordinaryong maternity allowance.
Sa website ng Inps, ay makikita ang lahat ng mga requirements. Ang Batas (artikulo 75 D.Lgs. 151/2001), bukod sa ilang mga bagay, ay ibibigay lamang ang benepisyo sa mga Italians, EU at non-EU nationals na mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno. Ito ay nagtatanggal ng karapatan sa mga imigrante na nagtataglay lamang ng ‘normal’ na uri ng permit to stay na balido para sa trabaho.
Ang limitasyong ito, ay itinalaga ng mga hukom na labag sa batas ng pagbabawal sa diskriminasyon dahil sa nasyunalidad na itinalaga ng artikulo 14 ng European Convention on Human Rights at Artikulo 21 ng Saligang Batas ng mga pangunahing mga karapatan. Sa katunayan, ay hindi makatwirang nagpapatupad ng pagkakaiba sa mga serbisyo batay sa nasyunalidad na dapat sanay may layuning masiguro ang ‘kundisyon ng maayos na buhay’.
Sa Ordinansa ay nabanggit ang ilang hatol ng Constitutional Court at binigyang-diin na ang batas ng Italya ay hindi ipapatupad kung ito ay labag sa mga patakarang internasyunal at ng Europa. Ang mga hukom, samakatwid ay nagsabing dapat ibigay ng Inps ang allowance kahit sa mga dayuhang ina na mayroong normal na permit to stay at kumakatawan sina Alberto Guariso at Livio Neri bilang mga abugado sa isinampang kaso.