Kakailanganin ang kontribusyon sa pagbibigay ng allowance mula sa Inps
Kahit na mga colf at mga caregivers, gaya ng lahat ng iba pang mga manggagawa sa Italya, ay may mga tungkulin at karapatan upang lumiban sa trabaho kapag sila ay nagdadalang tao.
Ang batas ay nagbibigay ng limang buwan na pagliban sa trabaho. Karaniwan, dalawang buwan bago ang kapanganakan at tatlong buwan matapos ang panganganak, ngunit kailangan i-prisinta ang medical certificate na nagsasaad ng hindi mapanganib na pagbubuntis. Maari ring piliing mag-trabaho hanggang sa ika-walong buwan ng pag-bubuntis at ang pananatili sa bahay hanggang sa apat na buwan matapos ang panganganak.
Habang nakaliban sa trabaho, ang mga colf at mga care givers ay dapat na tumanggap ng kaukulang ‘maternity allowance’ katumbas ng 80% ng sahod. INPS, ang dapat na magbigay ng nasabing allowance na naghayag kamakailan ng halaga ng nasabing allowance base sa oras ng trabaho para sa taong 2011.
Narito ang mga ito:
• Euro 6.50 para sa sahod per oras na Euro 7.34
• Euro 7.34 para sa sahod per oras na Euro 7.34 hanggang 8.95 Euro
• Euro 8.95 para sa sahod per oras na 8.95 Euro
• Euro 4.72 para sa trabaho na lampas ng 24 oras bawat linggo.
Ang benepisyo ay para lamang sa mga kababaihan na may sapat na kriterya o 52 linggong regular na trabaho (kahit sa ibang sektor) sa nakaraang dalawang taon, o 26 linggo ng nakaraang taon na simula ng maternity leave. Para sa lingguhang trabaho ay nangangahulugan ng kahit na 24 oras na trabaho .