in

Maternity at Big family Allowance 2017

Ang halaga at requirements ay katulad noong nakaraang taon, dahil ang cost of living sa bansa ay hindi tumaas. Maaaring mag-aplay ang mga Italians, Europeans at mga non-Europeans kahit na ang Inps ay patuloy na hinihingi ang carta di soggiorno.  

 

 

Pebrero 27, 2017 – Kahit ngayong taon ay hindi nagbago ang big family allowance at maternity allowance, mga tulong pinansyal na inilalaan ng mga Comune sa mga pamilyang higit na nangangailangan .  

Ang halaga at mga requirements ay napapalitan taun taon batay sa cost of living, kung saan nauugnay ang pagtatalaga ng mga presyo. Ang krisis sa ekonomiya ay naging sanhi ng pagtigil sa pagbabago ng cost of living at sa pagkakaroon ng -0,1% ay minabuti ng batas na panatihin na lamang ang halaga nito tulad noong nakaraang taon. Isang komunikasyon mula sa tanggapan ng Prime Minister ang nagkumpirma na para sa taong 2017, ang halagang ay katulad ng itinalaga mula pa noong 2015 at 2016. 

Ang maternity allowance para sa taong 2017, na nakalaan sa mga new Moms dahil sa panganganak, pag-aampon o pagkakaroon ng child custody ay itinakda ang halagang hanggang  € 338,89 kada buwan, para sa limang buwan. Ang halaga ng financial indicator o ISEE ay katumbas o hindi tataas sa € 16,954.95.

Maaaring mag-aplay ang mga Italians, Europeans at non-Europeans na hindi tumatanggap ng anumang benepisyo buhat sa Inps. Ang aplikasyon ay isusumite sa Comune kung saan nakatira sa loob ng anim na buwan matapos makapanganak o mag-ampon o matanggap ang custody ng bata.  

Ang family allowance ay nakalaan sa mga pamilyang mayroong mula tatlong anak at sa taong 2017 ay makakatanggap ng halagang 141,30 kada buwan sa loob ng 13 buwan. Ang ISEE ay dapat na 8.555,99 euros

Ang mga pamilya ay maaaring Italians, Europeans at non-Europeans. Kahit ang aplikasyon ng benepisyong ito ay kailangang isumite sa Comune hanggang Jan 31 ng susunod na taon ng aplikasyon. 

Paalala: Sa mga mamamayang dayuhan, ang Inps (na parehong nagbibigay ng nabanggit na halaga) ay patuloy na humihingi ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno. Sa katunayan, sa isang European directive na ipinatutupad (2011/98), ang ganitong uri ng benepisyo ay dapat ipagkaloob rin kahit na ‘normal’ na permit to stay  lamang ang hawak na balido sa trabaho. Gayunpaman, ang mga huling nabanggit ay maaaring mag-aplay pa rin ng benepisyo at kung ito ay tatanggihan ay maaaring lumapit sa hukom para sa karapatan. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Senado, mas priyoridad ang paglaban sa iligal na migrasyon kaysa sa reporma ng citizenship

Inps, humihingi ng carta di soggiorno para sa premio nascita