Binago ang itinalagang halaga at ang required salary para sa benepisyo na nagbubuhat sa Comune para sa mga bagong ina at sa mga pamilya na mayroong 3 anak (o higit) na higit na nangangailangan. Narito ang komunikasyon buhat sa tanggapan ng Council of Ministers.
Roma, Pebrero 21, 2014 – Itinalaga ang mga bagong halaga at required salary para sa kilalang assegno di maternità at assegno per le famiglie numerose. Isang sitwasyon na dapat patunayan sa pamamagitan ng ISEE na kinakalkula sa mga tanggapan ng Caf.
''Ang maximum amount ng maternity benefit para sa taong 2014 ay € 338.21 kada buwan sa loob ng limang buwan.
Ito ay isang tulong para sa mga bagong ina na walang trabaho sa panahon ng panganganak at pag-aampon. Nakalaan ang benepisyo sa mga italians, EU nationals at mga non-EU nationals na nagtataglay ng carta di soggiorno.
Isa rin sa requirements ang pagkakaroon ng Isee na hindi lalampas sa € 35,256.84 para sa mga pamilyang mayroong tatlong miyembro. Tumataas ito sa pagdami ng miyembro ng pamilya. Ang aplikasyon ay isusumite sa Comune kung saan residente sa loob ng 6 na buwan matapos makapanganak.
Samantala, ang maximum amount ng benepisyo para sa mga pamilya para sa taong 2014 ay € 141.02 kada buwan para sa 13 buwan.
Nakalaan ang benepisyo para sa mga italian at european families, kabilang din ang non-european families na mayroong carta di soggiorno (isang magandang balita na sinimulan noong nakaraang Setyembre 2013).
Hindi dapat lumampas ang Isee sa € 25,384.91, para sa mga pamilya na mayroong limang miyembro, o mayroong 3 minors. Ang aplikasyon ay isusumite sa Comune, hanggang Enero 31 ng sumunod na taon, nang taong tinukoy sa aplikasyon.