in

May mga katanungan? Sasagutin ng libre ng Linea Amica – 803001 (press 2) mula landline at 06828881 mula cellphones

Permit to stay, citizenship, health assistance, trabaho …. para sa anumang alinlangan, ang serbisyo ng Public Administration sa wikang Italian, English, French, Spanish at Arab. Maging sa www.lineaamica.gov.it.

Rome – Hunyo 19 , 2013 – "Kailangan ko’ng mag-renew ng permit to stay, hindi ko alam kung anu-anong mga dokumento ang dapat ilakip”, “Nais kong pumili ng family doctor, saan ako magpupunta?”, “Sinong makakapag-sabi kung ang aking asawa ay makakasunod dito sa akin sa Italya?”, “Ang ststus ng aking aplikasyon sa citizenship?”, “Ako ay isang colf, dapat ko bang bayaran ang aking kontribusyon?”.

Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga katanungan sa araw-araw ng libu-libong mga dayuhang mamamayan sa Italya. Araw-araw silang binibigyan ng kasagutan ng mga operators ng Linea Amica Immigrazione ng libre, ang serbisyo ng Public Administration sa wikang Italian, English, French, Spanish, Spanish at Arabic.

Sa maraming paraan ay maaaring ma-contact ang Linea Amica Immigrazione, simula sa simpleng tawag sa telepono. Mula sa mga landline, tumawag sa toll free number 803001, press 2. Samantala, sa mga cellphones naman ay tumawag sa numero 06828881. Kung tatawag mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon ay maaaring makausap ang mga operators samantala, sa ibang araw ay maaaring mag-iwan ng mensahe sa answering machine upang ma-return call.  

Gayun din sa pamamagitan ng website www.lineaamica.gov.it, na may handang kasagutan sa mga frequently asked questions, isang chat line sa office hrs at ang posibilidad na magpadala ng katanungan sa ano mang oras sa pamamagitan ng isang form sa section “chiedo ad un esperto”, na sasagot sa lalong madaling panahon. Sa mga gumagamit naman ng SKYPE, ang lineamicapa.

Ang mga operators ay ginagabayan ang mga visitors sa nilalaman ng website www.integrazionemigranti.gov.it, ang website ng integration, na  naglalarawan ng lahat ng serbisyong lokal na nakalaan para sa mga dayuhan sa Italya, mula sa social health hanggang sa kurso ng wikang italyano, mula sa professional course hanggang sa mga offices ng intercultural mediation. Ang website ay nasa wikang English rin at mayroong monthly newsletter sa wikang Albanian, Arabic, Chinese, French, English, Punjabi, Russian, Spanish, Tagalog at Ukrainian.

Sa madaling salita, isang mundo ng impormasyon ang ipinagkakaoob ng Linea Amica Immigrazione. Isang tawag sa telepono o isang click lamang.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga pagbabago sa ‘hiring’ kung nasa ospital ang employer

Domande? Risponde gratis Linea Amica, 803001 e tasto 2 da fisso, 06828881 da mobile