Ito ay naganap kahapon sa isang flight sa Roma-Tunis: Ayon sa isang saksi: “Pagwawalang-bahala ng mga pasahero, ayon sa kanila ito ay isang normal na operasyon ng pulis”
Roma – Abril 18, 2012 – Plastic ang ginamit upang itali ang mga kamay, packaging tape naman ang idinikit sa bibig upang di makapagsalita. Ito ang naging trato sa dalawang Tunisians na repatriated kahapon ng mga pulis sa flight Roma-Tunis ng Alitalia 9:20 ng umaga.
Sakay kasama ng ibang mga pasahero, ang film maker na si Francesco Sperandeo, na nakunan ang mga kaganapan ng patago. Ang picture ay iisa lamang, di maiwasang magalaw dahil ito ay patagong shot lamang ngunit naglalarawan sa isang taong tumangap ng di makataong pagtrato. At nag-iiwan ng katanungang: bukod sa pagtatanggal ng karapatang manatili sa Italya ay nagtatanggal din ba ng dignidad ng isang tao sa pagpapatalsik buhat sa bansang Italya?
“Ito ang civilization at European democracy. Ngunit ang pinakamalalang bahagi nito ay ang pagwawalang-bahala ng mga pasahero na tila walang nangyari,” sabi ni Sperandeo. Walang kabulihan ang kanyang mga protests sa mga bantay ng dalawang Tunisians: “Ako ay binalaang bumalik sa aking upuan dahil ito ay isang normal na operasyon ng pulis …”
Ang “normal” na pagtatapal ng packaging tape sa bibig ng isang migranteng pinatalsik ay isang bagay na dapat linawin ng Ministry of Interior.