in

MEDIATION, OBLIGADO BAGO MAG SAMPA NG KASO

Obligatory Mediation, isang pagbabago sa pamamagitan ng ‘mediator’

Rome, 29 march 2011 – Tinatawag na ‘obligatory mediation’isang pagbabago na syang magtatanggal ng mga pending sa napakaraming kaso sa civil court. Nagsimula noong March 21, ang bagong panukala na bago magdimanda o maghain ng kaso ng maraming alitan sa pagitan ng mga mamamayan o sa pagitan ng mamamayan at ng kumpanya, ay kinakailangan ang lumapit sa tinatawag na ‘mediator’, isang propesyunista na kinikilala ng Ministry of Justice.

Ang nasabing ‘mediator’ ay magtatangkang pagkasunduin o aregluhin ang dalawang parte at sa pagkakataong mabibigo ang mediator ay saka pa lamang maaaring maghain ng isang kaso. Ang ‘mediation’ ay obligado sa mga kaso tulad ng di pagkakaunawaan sa mga properties, renta, pamana, obligasyon ng mga doktor, sa mga kontrata sa bangko pati na rin ng mga insurance.

Paglipas ng isang taon ay uumpisahan ding subukan ang mediation sa mga alitan sa conduminium at sa bayaran ng danyos sa mga aksidente sa kalsada. Naghayag naman ng pagtanggi ang mga abugado at para sa kanila, ito ay nagbibigay ng katarungang hindi ayon sa  batas at dahil na rin sa magtatanggal ito ng maraming nilang kliente.

Para naman sa gobyerno, ang ‘obligatory mediation’ ay makakapagpatipid sa mga mamamayan at magiging matulin ang pagbibigay ng hustisya sa parehong parte sa madaling panahon. Malalà ang kasalukuyang sitwasyon sa Italya, na may 5 milyon at kalahating kasong naka-pending at bawat kaso ay nagtatagal ng halos isang taon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGBITAY SA TATLONG PINOY SA CHINA, BUKAS NA!

Filipino inaresto sa pagpatay sa kondesa noong 1991