Hindi na kailangang ilakip ng employer ang medical certificate ng aksidente o pagkakasakit ng colf sa pagre-report sa Inail dahil doktor na mismo ang magpapadala nito. Narito ang mga pagbabago simula March 22.
Rome – April 1, 2016 – Nabawasan ng isang hakbang ang dapat gawin ng mga employer sa domestic job sa kaso ng aksidente o pagkakasakit ng colf, baby sitter o caregiver.
Simula noong 22 March, petsa ng pagpapatupad ng artikulo 21 ng D. Lgs. 152/2015, ay hindi na obligadong ilakip ang medical certificate sa pagre-report ng employer sa INAIL. Ito ay ipapadala online mismo ng duktor na unang titingin sa worker sa Inail.
Gayunpaman, ang domestic worker ay obligado pa ring ipadala ang denuncia di infortunio gamit ang form 4bis – prest sa Inail at sa awtoridad ng public security sa loob ng 48 hrs sa kasong higit sa 3 araw ang prognosis. Bukod dito, sa report ay kailangang tukuyin ang mga datos ng taong concerned, ang dynamic ng pangyayari at pati oras at sahod sa trabaho.
Ang denuncia di infortunio ay maaaring isumite ng personal o sa pamamagitan ng registered mail with return card. Sa domestic job ay hindi kasama ang obligasyong gawin ang report o denuncia online.
Samantala, wala namang pagbabago sa proseso ng validation ng resignation o dimissione at agreed resolution o risoluzione consensuale. Ito ay dapat gawin sa Direzioni Territoriali del lavoro, I Centri per l’impiego o sa pamamagitan ng pagpa-file ng kopya ng denuncia di cessazione del repporto na ipinadala ng employer sa Inps.
Gayunpaman, maaaring hindi ma-validate ng colf ang kanyang resignation o ang agreed resolution dahil sa maraming dahilan.
Ano ang dapat gawin ng employer? Dapat ipadala ng employer sa worker, sa loob ng 30 araw, ang isang liham, registered mail with return card kung saan inaanyayahan ang worker na i-validate ito sa loob ng 7 araw mula sa pagtanggap ng komunikasyon. Makalipas ang nabanggit na palugit, ang resignation o agreed resolution ay tatapusin at isasaalang-alang na tapos na rin ang obligasyon ng employer.