in

Menor de edad, walang kontribusyon ng 200 euros para sa citizenship

Walang kontribusyon ng 200 euros ang mga menor de edad ngunit ang mga ‘ragazzi o maggioreni’ na nasa wastong gulang o18 anyos na ay kailangan itong bayaran.

 

Roma, Okrubre 19, 2015 – Bukod sa mga naging pangako, ang reporma sa pagkamamamayan na kasalukuyang nasa Parliyamento ay mayroong karagdagang magandang balita para sa mga anak ng mga imigrante at lalong higit sa ‘bulsa’ ng kanilang mga magulang. Ang teksto na inaprubahan sa Kamara ay nagsasaad ng tatlong iba’t ibang sitwasyon:

  1. Italyano ang sinumang ipinanganak sa Italya kung isa sa mga magulang ay maroong EC long term residence permit o carta di soggiorno;
  2. Italyano rin ang sinumang ipinanganak sa Italya na ang magulang ay walang carta di soggiorno o ang batang dumating sa Italya bago ang 12 taong gulang, sa kundisyong pumasok sa paaralan ng hindi bababa sa limang (5) taon, at kung ito ay ang Unang grado o elementarya, ay positibong natapos;
  3. Maaaring pagkalooban ng italian citizen ang mga dumating sa Italya bago ang 18 taong gulang kung regular na nanirahan sa Italya ng anim (6) na taon at nakatapos ng isang obligatory school o ciclo scolastico.

Ang reporma, gayunpaman, ay binigyan diin na “para sa pag-aaplay o sa deklarasyon para sa menor de edad” ay hindi kakailanganing bayaran ang kontribusyon ng 200 euros na halagang kasalukuyang ibinabayad ng sinumang nag-aaplay ng citizenship. Ito ay nangangahulugan na ang exemption ay sigurado sa sitwasyong 1 at 2, kung ang magulang ay mag-aaplay para sa menor de edad na anak para maging ganap na Italyano, tulad ng nasasaad sa reporma.

Samantala, para naman sa mga kabataang nasa ikatlong sitwasyon, na maaari lamang mag-aplay ng citizenship makalipas ang 18 gulang ay kailangan na itong bayaran. Gayun din para sa mga kabataang nasa sitwasyon 1 at 2 kung sila na at hindi ang kanilang mga magulang ang mag-aaplay nito. Pati na rin ang mga kabataang higit sa 20 gulang na nabanggit sa ‘transitional norm’ na nagpapahintulot sa reporma na maging ‘retroattiva’.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang buong teksto ng Reporma sa Pagkamamamayan

Colf, naaksidente habang nagta-trabaho. Ano ang dapat gawin?