in

Mga aplikasyon sa Regularization, rerebisahin sa Brescia

Ang Ministry of Interior ay handang rebisahin ang mga pamantayan na naging sanhi sa pagtanggi sa maraming aplikasyon sa probinsya. Ang dahilan: katibayan ng pananatili sa Italya.

 

 


Brescia – Abril 9, 2015 – Isang mahalagang balita ukol sa nakakagulat na resulta ng ‘regularization’ sa Brescia kung saan 70% ng mga aplikasyon ang tinanggihan kumpara sa national average na mas mababa sa 30%. Malamang na ang ginamit na pamantayan ng Prefecture ay higit na mas mahigpit kumpara sa ginamit na pamantayan sa ibang bahagi ng Italya.

Ang pagtutol ng mga migrante sa nakalipas na buwan ay naging sanhi ng pakikinig ng Ministry of Interior. Isang delegasyon ng mga asosasyon at unyon ang nakipag-pulong sa Roma kay Mario Morcone, head ng Immigration Department. Sa pagtatapos ng pulong ay sinabing handang rebisahin ng tanggapan ang mga aplikasyong tinanggihan.

Partikular, ang pagsusuri ay nakasentro sa mas nakakaraming tinanggihang aplikasyon dahil sa katibayan ng pananatili sa Italya.

Sa Brescia ay itinuturing na balido lamang ang katibayan ng huling semester ng 2011 habang sa ibang bahagi ng Italya ay tinanggap maging ang katibayan bago ang panahong ito. Ang Ministry of Interior ay tila handing sundin ang mas magaang na interpretasyon at hiniling ang opinyon ng Konseho ng Estado. Kung sakaling aprubahan ito, maraming imigrante ang papasa sa regularization.

May pag-asa rin na muling rebisahin ang mga aplikasyon na walang malinaw na trabaho. Sa madaling salita, ang mga aplikasyon na walang trabaho na gagawing regular. Ito ang mga tema na haharapin ng bagong prefec ng Brescia.

Hindi pa rin malinaw kung ang pagre-rebisa ay magsisimula mismo sa tanggapan o sa pamamagitan ng ‘request’ ng aplikante. Hindi pa rin alam ang panahong kakailanganin nito, sigurado lamang na hindi maigsing panahon. Samantala, libu-libong mga imigrante, ang umaasa sa ngayon ng isang permesso di soggiorno.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Inps, hindi pa tatanggap ng aplikasyon ng bonus bebè

Mga Pinoy lumahok sa taunang STRAMILANO