in

MGA BAGONG INDIKASYON SA PAGTATANGGAL NG MIDDLE NAME NG MGA PINOY

Narito ang tamang procedure ng pag rerehistro ng mga Filipino at pagtatanggal ng middle name ayon sa Circular 29. Importanteng pareho ang pangalan ng Filipino sa ‘iscrizione anagrafica’ at permit to stay.

Ang Ministry of Interior, sa Circular n. 4 noong Jan 24, 2011, ay naglabas ng mga klaripikasyon ukol sa pangalan ng mga Filipino, na unang nilabas sa Circular 29 noong nakaraang Octubre ng nakaraang taon.

Sa mga mag-aapply sa unang pagkakaton ng ‘iscrizione angrafica’ tulad ng residence permit at nagma may-ari ng permit to stay na mayroong middle name, ang operator ng munisipyo ay dapat na irehistro ang Filipino ng mayroong  middle name tulad ng nasasaad sa permit to stay. Ito ay upang magkaroon ng pareho at magkatulad na impormasyon sa lahat ng Italian document.

Samantala, kung ang isang Filipino na nag mamay-ari ng permit to stay na wala ng middle name, dahil sa renewal nito, nararapat na pumunta ang Filipino sa Comune at hingin ang pagtatanggal ng middle name sa kanyang ‘iscrizione anagrafica’ upang maging iisa at magkapareho ang impormasyon sa dalawang Italian documents.

Pagkatapos ng nasabing request ng pagtatanggal ng middle name, ang Comune ay magbibigay ng isang sertipikasyon o deklarasyon kung saan nasasaad ang nasabing pagbabago at kung saan nalalahad na ang una at pangalawang pangalan ay iisang tao lamang.

Ang Comune na rin diumano ang magbeberipika ng codice fiscale ng Filipino. Sa pagkakataong mayroong dalawang magkaibang codice fiscale ang Filipino, sanhi ng mga pagbabago, ang Comune na rin mismo ang magbibigay ng komunikasyon sa Agenzia dell’Entrate upang itama o baguhin o i-update ang codice fiscale.

Narito po ang kopya ng Circular n. 4 mula Ministry of Interior

http://www.stranieriinitalia.it/media/circoint24genn2011.pdf

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MARONI: ‘Handa na ang isang bagong dekreto para sa deportation’

Direct Hire 2010: Narito ang unang bilang bawat probinsya.