Forlani (Immigration Department): “Ang kakulangan ng labor demand na maaaring matugunan ng makaling bilang ng mga dayuhang walang hanapbuhay. Sa huling Direct Hire ay mababa ang naging resulta”. Narito ang buod ng naging pulong ng mga union.
Rome – Masyadong maraming mga walang hanapbuhay na migrante at ang Direct Hire ay isang paraan na hindi naging matagumpay. Ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit sa taong ito ay hindi pahihintulutan ang mga bagong entries para sa trabaho mula sa ibang bansa.
Inulit muli noong nakaraang Biyernes sa mga union ni Natale Forlani, director of Immigration ng Ministry of Labour, tulad ng nasasaad sa isang statement ng isang pagtitipon na naitala ngayong araw na ito ng Migration Department ng UIL.
“Sa panahon ng krisis, sa pagitan ng taong 2008 at 2010 – ayon kay Forlani – ang nawalan ng trabahong mga migrante ay nadagdagan ng tatlong beses at kalahati kumpara sa mga Italians (sa halaga ng % + 63.1 kumpara sa +18.4).Nangangahulugang, ang mga dayuhang nawalan ng trabaho mula 169,000 sa second trimester ng taong 2008 ay tumaas sa 278,000 sa second trimester ng taong 2011 (140,000 ng mga ito ay tumatanggap ng income support), ibig sabihin ay dalawang doble kumpara sa tatlong taong nakalipas. “
Ang Excelsiorsurvey ng Unioncamere sa programmed hiring ng mga kumpanyang Italyano ay hindi nahulaan ang posibleng kabaligtaran ng risulta nito. Ang hiring na inaasahan ng mga dayuhan sa taong 2011 ay ang pinakamababa sa huling apat na taon: isang average ng 70 000 hiring kumpara sa halos 140,000 hiring ng taong 2008. Ayon sa Direktor ng Immigration, samakatuwid, “ang kakulangan ng labor demand ay maaaring matugunan ng malaking bilang ng mga dayuhang walang pinapasukan na naghahanap pilit ng trabaho at sa kasawiang palad, ayon sa batas, ay dapat muling magka-trabaho sa loob lamang ng anim na buwan.”
Para sa Direct Hire, ang datos sa mga application na isinumite sa simula ng taon na ito ay nagpapakita ng isang limitasyon. Ang bilang o quota na nakalaan ay 98,080, at nakatanggap naman ng 424,858 application ang Interior Ministry. Ang bilang hanggang Nobyembre 3, 2011 ng inilabas na permit o nulla osta ay 42,910, “ngunit isang mababang resulta ng 12,027 ang bilang lamang ng pinirmahang kontrata o contratto di soggiorno.”
“Ang konklusyon ng isang pulong ng mga mga ministries na involved – pagtatapos na ipinaliwanag ni Forlani – ay upang pigilan na aprobahan ang Direct Hire para sa subordinate jobs upang maiwasan ang isang abnormal na pagtaas ng mga taong naghahanap ng trabaho na may masamang epekto sa merkado ng mga manggagawa,at lalo ng hindi mapipigilan, sa ganitong paraan, ang pagdami ng tinatawag na ‘lavoro nero’ .