Ang bagong circular na nagpapahintulot ng enrollment sa daycare o (asilo nido) pati ng mga batang naninirahan ngunit hindi mga opisyal na residente. Ang bise alkalde Guida: “Ang desisyon ay ayon sa Saligang-Batas”. Salvini (Lega): “Pangungunsinti sa iregularidad”
Roma – Pebrero 3, 2012 – Sa daycare ng lungsod ng Milan ay maaari na ring ipasok ang mga anak ng mga dayuhan na walang permit to stay.
Ito ang isinasaad sa circular na nagtataglay ng mga requirements para sa enrollment ng taong 2012/2013 bilang serbisyo ng lungsod. Bukod sa mga batang nabibilang sa pamilyang nakatala (o sa katatapos lamang ng pagpapatala) ay nasasaad din na maaaring tanggapin maging ang mga “naninirahan sa lungsod ng hindi nakatala bilang mga residente”.
“Aming layunin ay hindi upang parusahan ang mga anak ng mga dayuhang ang permit to stay expired na o mga hindi regular”, paliwanag ng bise alkalde at Assessor sa Edukasyon na si Maria Grazia Guida.
“Ang dating administrasyon – paalala ni Guida – ay ipinagkaloob na bilang bahagi ng ‘waiting list’ ang ganitong uri ng enrollment, ngunit itinuring bilang isang deskriminasyon. Binuksan namin sa lahat ang enrollment dahil kahit ang Saligang-Batas, sa Artikulo 31, ay nasasaad ang pagbibigay proteksyon sa childhood at magarantiya ang karapatan ng edukasyon para sa lahat”.
Ang hatol na tinutukoy ng bise alkalde noong 2008 ay ang apila ng isang inang Moroccan na nawalan ng trabaho na naging sanhi ng hindi pagkaka-renew ng permit to stay. Ayon sa hukom, ang gawing basehan sa enrollment sa Day care ang kondisyon ng mga magulang ay nagtatanggal sa menor de edad ng karapatan upang tanggapin ang serbisyong publiko tulad ng pagtanggap ng iba pang mga mamamayan.
Ang circular ng Palazzo Marino ay nagbigay daan sa lider ng Lega Nord sa Konseho ng Milan upang magsalita ng masamang senyales at ng pangungunsinti sa iregularidad. “Malaki ang panganib – paliwanag pa nito – na gamitin ang mga anak upang hindi mapatalsik”. Ang solusyon? Iwanan ang anak sa Italya at umalis ng bansa. Hindi dapat mamuhay sa iregularidad”.
Ayon kay Mariolina Moioli, dating Assessor sa mga patakaran panlipunan kasama ni Moratti, “walang nagbagong anumang bagay, lahat ay salita lamang “, at ang bagong administrasyon ay nag-adapt lamang “sa desisyon ng korte na nag-obliga sa amin na gamitin ang salitang “naninirahan”. Ang katotohanan ay ang mga pamilya ay nasa waiting list dahil sa mababang puntos nito dahil hindi nakatala bilang residente.
Sa katunayan, ang circular ay hindi naman nagbibigay ng higit na puntos sa mga opisyal na nakarehistro. Ngunit mahirap para sa mga magulang na hindi regular,ang maipakita na mayroon silang full time job, isang requirements na nagbibigay ng mas mataas na puntos.