in

Mga dayuhan? Narito kung bakit mahalaga sa ekonomiya ng bansa…

Sila ay sumasaklaw sa 9.1% ng mga mayroong hanapbuhay, may income na 40 billion euros at nagbabayad ng 6 billion euros na tax (Irpef). Ngunit sila ay mas mahirap ang buhay kaysa sa mga Italians. Ito ang Ulat ng Leone Moressa Foundation.

altRome – Ang mga migrante ay isang yaman para sa bansa. Sa Italya ay mayroong higit sa 2 milyong mga banyagang manggagawa (9.1% ng kabuuan ng mga nagta-trabaho) at mayroong income na 40 billion euros (5.1% ng kabuuang halaga ng mga income) at mga nagbabayad ng tax na halos 6 billion euros (4.1% ng kabuuang net ng buwis).

Ang mga ito ay, gayunpaman, ay ang populasyon na nahagip ng krisis (ang pagkawala ng trabaho ng mga dayuhan ay tumaas magmula sa 8, 5 % sa taong 2008 sa 11,6% sa taong 2010), at mas mataas na antas ng kahirapan (ang 37.9% ng mga banyagang pamilya ay namumuhay ng mas mababa sa poverty line), at ang kanilang mga sahod ay mas mababa sa 300 € kumpara sa mga manggagawang Italyano.

Ito ay ilan lamang sa mga detalyeng inilabas sa Taunang Ulat sa Ekonomiya ng migrasyon 2011 (ang kopya ng abstract Moressa) na ginawa ng Leone Moressa Foundation at bilang mga sponsor ang International Organization for Migration (IOM) at Ministry of Foreign Affairs. Ito ay inilabas kahapon sa Kagawaran ng Sosyolohiya, sa Unibersidad ng Milan Bicocca sa isang conference “Ang mga dayuhan: ano ang halagang sa ekonomiya ng bansa?”.
 

Ang labor market. Mula 2008 hanggang 2010 ay nagkaroon ng isang pagtaas ng 3.5% sa bilang ng mga nawalan ng trabahong mga dayuhang manggagawa, mula  8, 1% sa 11%, 6% at umabot sa 274,000 mga migrante na nawalan ng trabaho. Ito ay nangangahulugan na sa kasalukuyang panahon, ang isa sa bawat apat na nawalan ng trabaho ay isang dayuhan. Kung titingnan naman ang mga mayroong trabaho (na higit sa 2 milyon), ang malaking bahagi nito ay mula sa subordinate jobs (86.0%), mga kabataan bilang mga manggagawa (89.9%), sa mababang propesyona sa service industry (51.3%) at sa maliliit na kumpanya (53.4% ​​ay nagtatrabaho sa mga kumpanya na may mas kaunti sa 10 empleyado).

Ang Sahod. Ang isang dayuhang ay kumikita bawat buwan (ayon sa last quarter ng 2010) ng halagang 987 €, halos mas mababa ng 300 € kaysa sa Italyano kasamahan. Mas higit na sahod para sa dayuhang nasa sektor ng transportasyon (1348 € bawat buwan) malubha sa mga nagtatrabaho sa serbisyo sa mga tao o service staff (724 € bawat buwan), kung saan ay halos mga kababaihan ang nagtatrabaho .
 

Ang mga income at tax. Sa Italya ay mayroong kabuuang bilang ng 3.2 million na taxpayers na ipinanganak sa ibang bansa (ayon sa kita noong 2009) at nag-declare ng kitang 40 billion €: sa madaling salita, ito ay 7.9% ng lahat ng taxpayers at 5,1% ng kabuuang kitang ipinahayag sa buong Italya. Ang mga dayuhan ay karaniwang nagde-declare ng12,507€ (mas mababa ng 7000 kumpara sa mga Italians) at ang karamihan ay mula sa subordinate job. Sa taong 2009 ang mga dayuhan ay nagbayad ng buwis ng 6 billion € (katumbas ng 4.1% ng kabuuang income tax na binayaran sa bansa), at halos 2810 € bawat tao. Ngunit ang mga dayuhan ay nakikinabang ng higit sa Italians, unang-una dahil sa pagbawas ng buwis dahil sa mas mababang kita ng mga ito: sa katunayan, ang 64.9% ng mga ipinanganak sa ibang bansa ang nagbabayad ng tax, kumpara sa 75.5% ng mga ipinanganak sa Italya.
 

Ang antas ng kahirapan. Ang 37.9% ng mga dayuhang pamilya ay nabubuhay ng mas mababa sa poverty line (data 2008), laban sa 12.1% ng mga pamilyang Italyano. Ang kanilang kita ay hindi nagpapahintulot upang sila ay makaipon, dahil ang higit na konsumo, kahit na bahagya lamang, ay nakaka-apekto sa kita ng pamilya. Ang 90% ng kitang ito ay nagmula sa subordinate job at nakalaan, bukod sa iba pang mga bagay, sa pagbabayad ng upa, dahil ang 11, 3% ng mga migrante  ay nakabili na ng sariling tahanan.

Ang krisis. Ang mga migrante ay karaniwang naghahayag ng higit na kahirapang pinansyal kaysa sa mga Italyano (data 2008): 24.8% ay nagsabing hirap makaabot sa katapausan ng buwan (kumpara sa 16.7% ng mga Italians), 24% ay mayroong delayed payments ng mga bill (kumpara sa 11.2%), 58.8% ay hindi kakayaning magkaroon ng isang unexpected expenses ng 750 € (kumpara sa 30.2%) at 52.6% ay hindi kakayanin ang isang linggo off ( kumpara sa 38.6%).”Ang mga impormasyon at mga analisis ng mga ito sa epektong pang-ekonomiya sa migrasyon,” kompirmasyon ng mga mananaliksik ng Leone Moressa Foundation ” ay nagpapahintulot upang magkaroon ng isang makatotohanang pananaw ukol sa migrasyon, na hindi lamang maging bahagi ng political agenda sa seguridad, ngunit kinikilala bilang isang tunay na kasangkapan para sa pag-unlad sa ekonomiya, kasaganaan at competitiveness: sa madaling salita ay mahalaga sa lipunan “.

Leone Moressa Foundation

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang bayan ni Padre Pio, tinanggihan ang mga refugees: “Mga terorista at manlilimos”

Lolong pinakamalaking buwaya, kinumpirma ng NatGeo