in

Mga dayuhang hindi regular sa Italya, bumaba sa bilang

“Bumaba sa kalahati ang bilang ng mga dayuhang hindi regular sa sampung taon dahil sa bagong pamamaraan at sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Legal  ang mga pagpasok sa bansa, salamat sa family reunification at sa trabaho. Ayon sa ikaapat na ulat ng European Migration Network

altRoma – Marso 15, 2012 – “Ang iligal na imigrasyon, dahil sa epekto ng mga pagbabago sa mga regulasyon kamakailan at sa epekto ng krisis, ay nabawasan sa dami at maging sa epekto ng bilang nito sa mga regular na dayuhang nananatili sa bansa, at tinatantyang 10% ng halos 5 milyong mga dayuhang  legal sa Italya, simula noong Enero 2011.”

Ito ang nasasaad  sa ika-apat na ulat ng European Migration Network, na nakatutok sa “Visa Migration Channel”, na inilabas kahapon  sa Roma.

Ito ay isinakatuparan ng Interior Ministry sa pakikipagtulungan ng Idos, at ang ulat ay kinakalkulang mayroong limang daang libong hindi regular sa bansa, kalahati ng inaasahan noong 2001. Isang pagbaba sa bilang maging sa mga tinanggihan o hindi pinahintulutang makatawid sa bansa (mula 30,000 noong 2001 sa 4,000 sa taong 2012) at ang mga pinatalsik (mula sa 90,000 sa 47,000).

“Gayunpaman, ay nananatiling pinag-aaralan – ayon sa  EMN – ang pagiging hindi regular mula sa regular na sitwasyon at partikular kung ano ang kalagayan ng higit sa 600,000 nagmamay-ari ng mga permit to stay para sa trabaho at pamilya, na balido hanggang Disyembre 31, 2009 at hindi na ni-renew sa loob ng isang taon dahil sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya at itinuring na hindi mga regular sa halip na pabalikin ng bansa.

Ang ulat ay nagbibigay diin sa “matibay na ugnayan sa pagitan ng iligal na imigrasyon at sa nalulunod  na ekonomiya” na nagiging sanhi ng paghina sa paglaban sa irregularities. Isang pagbabantay sa mga baybayin, expulsions at rejections ay sinamahan ng mga preventions tulad ng mga kampanya sa bansang sinilangan upang “balaan ang mga migrante tungkol sa mga kahihinatnan ng pagiging hindi regular” at maging ng mga kasunduan sa mga bansang pinanggalingan.
 

Ang konklusyon ay “ang iligal na imigrasyon, ay madalas na tumutukoy ng higit pa sa karaniwan nitong kalagayan, ay isang kumplikadong sitwasyon (dahil nasasangkot ang Italya at ang mga bansang pinanggalingan), na hindi maiiwasan (dahil ang mundo ay kumakatawan sa iba’t-ibang yugto ng pag-unlad na syang nagtutulak sa migration pressure), bahagyang kontrolado ng mga patakaran ng migrasyon, at sa isang banda, ay hindi maaaring makatulong ang gumawa ng mga hadlang at pinipilit higit ang  maglagay ng karagdagang diin sa mga insentibo (dahil ang mga ito ay mas mura).

Entry visa
altAng ulat ay pinag-aralan din ang regular na mga entry, tumutok sa mga entry visa na inilabas ng Italian consulates at embassies sa mundo: 218,000 sa taong 2010, na isinasaalang-alang lamang ang mga pananatiling higit sa tatlong buwan, kumpara sa 186,000 noong 2001. Mga entries na nauugnay sa dahilan ng pamilya (42%) at trabaho (32%), ngunit ang ilan ay para sa pag-aaral (17%).

Sa nakalipas na dekada ang entry visa para sa pamilya “ay nasa pagitan ng 37% at 44% [ng kabuuan], pinakamataas noong 2004 at isang exemption noong 2007, taon kung saan umabot sa 25.7%. Gayunpaman, ay mahalagang isaalang-alang ang mga entry visa para sa trabaho sa pagitan ng 2007 at 2009, at partikular, noong 2008, ang 59.3% ng mga entry visa ay para sa trabaho at 25.7% lamang ang para sa mga dahilan ng pamilya, at ito ay nagpatuloy hanggang 2010 (taon ng krisis sa trabaho) at marahil hanggang sa susunod na taon ay magpatuloy. “

Ang bagong code ng Schengen visa, epektibo mula noong Abril 2010, ay dapat “gawing mas maluwag ang regular channel,” at bilang layunin ay “ang pag-unlad at pagpapalakas ng kooperasyon sa mga bansang pinanggalingan at dadaanan.” Ang ulat gayunpaman ay nagpapaalala na “ang pagkakaroon ng tamang entry visa ay hindi magtatanggal ng panganib ng mga irregularities dahil ang iligal na presensiya ay nagiging tadhana, sa karamihan ng mga kaso, hindi sa pagpasok  sa Italya nang walang pahintulot sa halip ay ang pananatili ng higit sa panahong may pahintulot. (overstaying) “.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2013 simula ng ganap na paggamit ng self-certification ng mga imigrante

Dalawang Azkals players, suspendido