Inilathala ng national statistics institute ISTAT, sa pamamagitan ng ‘Stranieri residenti e nuovi cittadini’ report, ang updated data sa populasyon ng mga dayuhan sa Italya.
Ito ay may bilang na 5,030,716 katao (8.5%) noong Decembre 31, 2021, (mas mababa ng 2.7% kumpara noong 2020) at binubuo ng 50.9% na kababaihan.
Ayon sa report ng ISTAT, sa mga nagdaang taon ang populasyon ng mga dayuhang residente ay naging stabilized. Sa katunayan, bumagal ang pagdami kumpara sa unang dekada ng 2000s, dahil sa mabagal at mababang bilang ng decreto flussi at maraming dayuhan na rin ang naging naturalized Italians.
Ang presensya ng mga dayuhan geographically sa Italya ay sumusunod sa tila isang modelo: ang South ay kadalasang kumakatawan bilang ‘pintuan’ ng humanitarian emergencies at ang Center-North naman ay mas pinipili ng mga dayuhan sa paninirahan. Sa North Italy, matatagpuan ang malaking bilang ng mga dayuhan, ang 59% (2.973,000). Ang North-West ay ang pinakakaakit-akit na lugar, kung saan higit sa one third ng mga mamamayan ay non-Italians. One fourth ng populasyon ng mga dayuhan ay nasa Center (24.7%; 1.241,000) samantala ang presensya naman sa South at sa mga Islands ay mas mababa, 11.6% at 4.6%.
Kapanganakan ng mga dayuhan, bumaba din
Noong 2021 ay naitala ang pagbaba sa panganganak ng mga dayuhan (56,926, mas mababa ng 4.8% kaysa noong 2020) at naitala naman ang pagtaas ng pagkamatay (10,000, mas mataas ng 8.6%). Bagaman naitala ang positive natural balance ng 46,926 katao, ito ay mas mababa ng 7% kumpara noong 2020 at ng 15% kumpara noong 2019.
Ang birth rate ay may national average ng 11.2, habang ang death rate naman ay tumaas noong 2020 (+1.8)
Aplikasyon para sa Italian citizenship, bumaba ng 7.8%
Bumaba ang bilang ng mga dayuhang nagiging naturalized Italians.
Noong 2021, mayroong 121,457 italian citizenship acquisition (23.5 residente; -7.8% kumpara noong 2020). Karamihan ay mga kababaihan (50.7%). Ang italian citizenship acquisition ay pangunahing naitala sa North-West (38.5%) kung saan ang presensya ng mga dayuhan ay mas nauugat, kung saan nangunguna sa Lombardia.
Ang pangunahing dahilan ng acquisition noong 2021 ay ang residency (42%), na sinusundan ng transmission ng citizenship sa mga minors mula sa magulang (32%), mababa ang marriage (12%), ang acquisition sa edad na 18 anyos ng mga ipinanganak sa Italya (8%) at ang mula sa Italian decendants (6%).
Imigrasyon tumaas ng 27% noong 2021
Sa pagtatapos ng mga travel restrictions, sa taong 2021 ay positibong naitala ang pagbibiyahe ng mga dayuhan sa Italya kumpara sa naunang taon. Naitala mula sa ibang bansa ang 244,000 (+27.0%) mga dayuhang mamamayan at 64,000 cancellation naman sa paglipat sa ibang bansa (+64.6%), na may positive migratory balance katumbas ng 179,514 katao.
Ang mga dayuhang imigrante ay pangunahing naninirahan sa North (132,000, kumakatawan sa 53.9% ng kabuuan), kung saan ang karamihan ng mga dayuhang mamamayan ay naninirahan sa Italya. Halos one fourth ng mga dayuhan ay pinipili bilang destinasyon ang South (57,000; 23.4%; +39% kumpara noong 2020) at higit sa one fifth ay napupunta sa Sentro (55,000; 22.7%; +23%).
Ang Lombardia (47,000 – 19% ng kabuuan) ay ang rehiyon kung saan ang pinakamaraming nakatalang mga dayuhang mamamayan, na sinusundan ng Lazio at Emilia-Romagna (parehong 24,000 -10% ng kabuuag). Sa mga nakalipas na taon, ang dahilan ng paglipat mula sa mga EU countries patungo sa Italya ay ang Ricongiungimento familiare, na pangunahing dahilan ng releasing ng mga permesso di soggiorno na kumakatawan sa 50.9% ng kabuuang bilang ng mga nireleased na dokumento. (PGA)