Assindatcolf: “Ibibigay sa mga worker ang isang deklarasyon kung saan nasusulat ang kabuuang sahod na natanggap. Isang sertipikong mahalaga, kasama ang kontribusyon, upang matanggap rin ang ilang diskwento sa buwis.
Rome – Marso 19, 2014 – Para sa nalalapit na pagsasagawa ng income tax return o dichiarazione dei redditi, ang mga employer ay kailangang simulan ang mag-kwenta. Hindi lamang para sa kanilang mga household workers kundi maging para sa kanila mismo, kung nais nilang makatipid sa buwis.
Nasasaad sa bagong National Collective Contract ang obligasyon ng mga employer na magbigay ng isang deklarasyon kung saan nasusulat ang kabuuang halaga ng sahod na natanggap kahit 30 araw bago matapos ang deadline ng paggawa ng dichiarazione dei redditi, o kahit sa pagtatapos ng trabaho. Hindi ito mahirap gawin, kunin lamang ang mga pay slips (o anumang katulad nito) ng nakaraang taon, na obligado rin ayon sa batas at gawin ang sumatutal nito.
Ang deklarasyong ito ay mahalaga para sa mga workers. Sa katunayan, ito ay kinakailangan, tulad ng paalala ng Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico, sa paggawa ng dichiarazione dei redditi, para sa ISEE, isang uri ng dokumento na kinakailangan sa pagtanggap ng mga benepisyo o serbisyong publiko. Lalong higit para sa mga dayuhan, dahil ito ay kinakailangan sa renewal ng permit to stay.
Binigyang diin ng asosasyon, na ang deklarasyong ito ay isang bagay na hindi katulad ng CUD na ibinibigay sa mga empleyado at pensyonado. Dahil ang employer ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta at samakatuwid ay hindi maaaring magsagawa ng anumang pagbabayad ng withholding tax (ritenuta Irpef).
Ihanda ang kwenta ng mga sinahod at ang kontribusyon na binayaran sa nakaraang taon. Ito ay mahalaga upang matanggap ng mga employer ang diskwento sa buwis o ang tinatawag na agevolazioni fiscali. Partikular, paalala ng Assindatcolf “nasasaad ang deduction ng kontribusyon ng Inps na binayaran ng mga employer hanggang
€ 1,549.37 kada taon kada tax payer at ang partial deduction ng naging gastos sa caregiver ng mge employer na non-autosufficinte na may sahod hanggang € 40.000, katumbas ng 19 % hanggang € 2100, o ang € 399.00 . "
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]