Ang mga employer na nagsimula ng precompilation ng kanilang mga aplikasyon noong Novembre 2024 para sa Decreto Flussi 2025 ay mayroong nalalabing 4 na araw upang tapusin ang proseso. Hanggang Linggo, maaaring kumpletuhin ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng Portale Servizi del Ministero dell’Interno, sa seksyong Sportello Unico Immigrazione. Ang mga aplikasyon ay kailangang ihanda para sa mga click day na nakatakda ngayong Pebrero.
Schedule ng Precompilation ng mga Aplikasyon sa Flussi 2025
Ayon sa anunsyo, mula January 13 hanggang 19 (mula 8:00 AM hanggang 8:00 PM, kasama ang mga pista opisyal), ay bukas ang seksyong “Compila domande Decreto Flussi 2025/Click-day 2025” para sa:
- Pagkumpleto ng mga aplikasyon na nasa estado “da completare”, na na-precompile noong Nobyembre 2024.
- Pag-save ng aplikasyon gamit ang opsyon na “Salva”, na maglalagay sa aplikasyon sa estado “da inviare”, handa na para sa mga click day.
Mag-log in muna sa ALI Servizi website: (https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm) at piliin ang “Area riservata” button, sa pamamagitan ng SPID o CIE. Pagkatapos ay magpunta sa seksyon na “Compila domande Decreto Flussi 2025/Click-day 2025.”
PAALALA: Hindi maaaring mag-submit ng bagong aplikasyon sa panahong ito, ayon sa pahayag sa Portale.
Mga Mahahalagang Petsa ng Click Day
Ang mga aplikasyon na nasa estado “da inviare” lamang ang tatanggapin sa mga sumusunod na araw ng click day:
- February 5, 2025, 9:00 AM: Para sa non-seasonal subordinate (modelo B2020).
- February 7, 2025, 9:00 AM: Para sa non-seasonal subordinate ng mga manggagawang may Italian origin at residente sa Venezuela (modelo B) at para sa assistenza familiare e socio-sanitaria, sa quota at labas ng quota (modelo A-BIS).
- February 12, 2025, 9:00 AM: Para sa seasonal subordinate sa sektor ng agrikultura at turismo (modelo C-STAG).
Mga Paalala ng Ministero dell’Interno
Binigyang-diin ng Ministero dell’Interno ang kahalagahan ng pag-save ng aplikasyon upang ito ay maipasa mula sa estado na “da completare” patungo sa estado na “da inviare”. Ito ay kinakailangan para maging eligible ang aplikasyon sa pagpapasa sa panahon ng click day.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-download ang Linee Guida Tecniche sa pamamagitan ng opsyon na MANUALE sa Portale. Ang mga nangangailangan ng tulong teknikal ay maaaring makipag-ugnayan sa Help Desk Service.
Basahin din:
- Decreto Flussi: Narito ang mga Pangunahing Pagbabago
- Decreto Flussi 2025: Mga Dapat Gawin ng Employer bago ang Click Days
- Decreto Flussi 2025: Narito ang Bawat Hakang ng Precompilation