in

Mga huling araw upang hindi bayaran ang bagong buwis sa renewal ng mga permit to stay

Mula sa susunod na Lunes ang pagre-renew ng mga permit to stay ay magkakahalaga ng 100 euro at para naman sa EU long term residence permit o carta di soggiorno ay magkakahalaga ng 200 euro. Para makatipid sa panahon ng krisis, ipadala ang application hanggang sa katapusan ng linggong ito.

Rome – Dalawamaltpung araw na ang nakalipas nang ang mga ministro na sina Cancellieri at Riccardi ay naghayag “ng isang mas malalim na pagninilay-nilay” ukol sa bagong buwis sa mga permit to stay at upang suriin ang pagpapatupad nito sa banayad na paraan base sa sahod o sweldo ng mga manggagawang dayuhan, maging sa komposisyon o laki ng mga pamilya nito. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay tila patuloy pa rin ang kanilang pagninilay.

Mataas ang panganib na sa pagsapit ng Enero 30, ang dekreto ni Maroni at Tremonti, na tila parusang ipatutupad ng buong buo sa mga dayuhang legal sa Italya. Sa mga hihiling ng first issuance ng permit to stay, bukod sa pagbabayad ng 30 euros sa serbisyo ng post office at 27.50 para sa paggawa ng e-permit, ay karagdagang 80 euro para sa permit na may 1 year validity, 100 euro naman para sa 2 years validity nito at 200 euro naman para sa kilalang mga carta di soggiorno.

Kahit na ang mga diskuwentong inihayag ng gobyerno ay ipatupad sa panahong itinakda, ang pagre-renew ng mga permit to stay bago ang ika-30 ng Enero ay makakatipid pa rin. Ang aral? Dapat i-fill up ang application at isumite bago matapos ang linggong ito sa post office. Bukod pa rito, ayon sa Immigration law (Testo Unico), maaaring hilingin ang renewal animnapung araw bago dumating ang deadline nito,” ngunit hindi naman tinutukoy ang panahong bago dito na hindi maaaring isumite ang application.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipinos celebrate Sinulog in Italy

FILIPINO COMMUNITY OF FIRENZE SHARES THE JOY OF CHRIST’S NATIVITY WITH SENDONG VICTIMS