Sa hatinggabi ng Mayo 13 ay magtatapos ang public competition buhat
sa Italian government. Maaaring mag-aplay ang mga kabataan buhat sa 100 bansa, kabilang ang Pilipinas, upang magpunta at mag-aral sa Italya.
Roma – May 12, 2015 – Ang Italya ay hindi pa rin kaakit-akit para sa mga banyagang mag-aaral. Sa mga unibersidad sa bansa ay 4% lamang ang mga mag-aaral na nakatala, kumpara sa European average na 8%.
Maraming ang mga dahilan nito, kabilang ang kakulangan ng pagkakataong makapag- trabaho. At habang nag-aaral ay ramdam ang kakulangan ng internationalization (kakaunti pa rin, ang mga kurso sa wikang ingles), kakulangan ng mga dormitories at financial support.
At dahil dito ay kailangang huwag palampasin ang pagkakataon, hanggang May 13, para sa scholarship na nakalaan sa mga dayhang mag-aaral na hatid ng gobyerno ng Italya sa academic year 2015/2016. Narito ang public announcement.
Ang scholarship ay nakalaan sa mga sumusunod na kurso: Undergraduate University courses; Postgraduate University courses; Master’s degree courses (Levels I & ii); Ph. D. Courses; Specialization Schools; Research under academic supervision; Courses of Higher Education in Art, Music and Dance (AFAM); Advanced Courses on Italian language and culture Courses for Teachers as second language.
Ang scholarship ay karaniwang tumatagal ng 3, 6 o 9 na buwan (ngunit ang Italian language course ay 1 buwan lamang at tumatagal naman hanggang 1 taon para sa mga Libyan nationals) at nakalaan sa higit sa 100 bansa kabilang ang Pilipinas. Sa nabanggit na listahan ay makikita rin ang mga pangunahing bansa ng malalaking populasyon sa Italya tulad ng Romania, Albania, Morocco, China at Ukraine.
Kabilang sa mga requirements ang edad mula sa 18 hanggang 35 anyos (45 anyos naman para sa mga magtuturo ng Italian language), sapat na kaalaman sa wikang italyano (average level o B2) at angkop na diploma at kwalipikasyong kinakailangan. Ang mga aplikasyon ay ipapadala online. Magmadali, tatanggapin ang mga aplikasyon hanggang hatinggabi ng Miyerkules May 13, Italian time.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Foreign Affairs.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]