Makakaboto na ang mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno sa referendum. Ito ang pangunahing pagbabagong sa municipal statute ng lungsod .
Milan, Disyembre 1, 2014 – Binago ang mga panuntunan ng municipal referendum sa Milan. Mga migrante, makakaboto na rin!
Inaprubahan ng Konseho ng Lunsod ng Milan nitong Biyernes, (25 ang pabor, 10 ang hindi bumoto at walang sinuman ang hindi pabor) ang isang panukala na nag-susog sa municipal statute. Partikular na nilalaman nito ang abrogative at proactive referendum at mga susog sa ilang panuntunan ukol sa consultative referendum.
Tulad sa nakaraan, ayon sa isang komunikasyon buhat sa Comune, ang people’s referendum ay maaaring ganapin ukol sa mga eksklusibong usapin ng Munisipyo lamang at may layunin ng konsultasyon na ngayon ay naging abrogative at proactive. Ito ay maaaring hilingin ng hindi bababa sa 15,000 mamamayan, ng 2/3 ng Council Area o sa pamamagitan ng isang deliberasyon ng Municipal Council. Ang abrogative referendum ay balido kung ang panukala ay isusumite sa loob ng 120 araw mula sa petsa ng pagiging opisyal o pagpapatupad sa pagpapawalang-bisa ng Konseho o ng executive body.
Isang malaking pagbabago ang ukol sa mga New Milenese. Ang mga EU- nationals ay bumuboto na, sa ngayon naman ay nagbubukas ang pinto para sa mga non-EU nationals na may sapat na gulang na residente sa lungsod ng Milan sa panahon ng pagtawag sa referendum at mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno.
Ang abrogative at proactive referendum ay limitado bagaman anuman ang resulta nito ay direktang makaka-apekto sa Administrasyon. Ngunit ang eligibility nito ay tanging nakalaan lamang sa Board of Trustees na nagde-desisyon bago pa man ang pangangalap ng 15,000 kinakailangang prima para magbotohan.