“Kailangang maging balanse sa pagsasagawa ng mga argumento ukol sa relasyon ng mamamayan at integrasyon”
Genoa, 31 Enero 2012 -”Ang mamamayang Italyano ay may utang na loob sa mga caregivers, kaya dapat balanse ang pagsasagawa ng mga argumento ukol sa relasyon sa pagitan ng mamamayan at integrasyon”.
Ito ang mga sinabi ng ministro sa Kalusugan, Renato Balduzzi, sa convention ukol sa self-sufficiency na ginanap sa Sheraton Hotel sa Genoa.
Ang Ministro ay nagpaliwanag upang i-address ang isyu ng self-sufficiency, na sa Italya, ay ginanap ang paghahanap sa mga solusyon. “Sa simula – ayon kay Balduzzi – ay mayroong isang yugto kung saan ang unang gamot ay ang sistema ng relasyon sa pamilya.” Ayon sa ministro, ang sistemang ito “ay nabago sa paglipas ng panahon at sa ngayon ay mas mahina na at mahirap ng gampanan.” Mula sa puntong ito -. dagdag pa ni Balduzzi – nagsimula kaming ihayag ng may matibay na senyales ang problema.
‘Pagkatapos nito ay ang ikalawang yugto, ng mga tagapag-alaga. “Isang yugto na hindi pa tapos” ngunit – pagtatapos pa ni Balduzzi – marahil ay nagbigay ng pinakamahusay ng kanyang parte.”