Sa dalawang araw at kalahati, halos 7500 application, at halos lahat ay para sa domestic jobs. Marami pa ring mga alinlangan tungkol sa katibayan ng presensya sa Italya.
Roma – Setyembre 18, 2012 – Nagsimula ang katahimikan ng regularization, tulad ng inaasahan. At ang karamihan ng mga nagpadala ng aplikasyon ay para sa mga colf, caregivers at babysitters. Halos wala, hanggang sa ngayon, ang mga kumpanya.
Sa isang ulat ng Ministry of Interior, mababasa na bandang alas 6 ng hapon kahapon, makatapos ang higit sa dalawang araw mula sa araw ng simula nito, ang mga form na isinumite ng employer ay umabot sa 7500. Pagkatapos ng simula noong Sabado ng umaga kung saan umabot sa 4500 aplikasyon, ay tila nagkaroon ng halos pagtigil, sa kabila ng sa araw ng Lunes ay bukas ang lahat ng mga tanggapan na tumutulong sa mga employer.
Ang mga aplikasyon ay halos galing mula sa mga pribado (5327), sinusundan ng mga asosasyon at mga patronato (1885) at job consultant (236). Roma, Milan at Naples ang mga nangungnang lalawigan, na mayroong higit sa 1,000 aplikasyon bawat lalawigan. India (1307), Bangladesh (1107) at Egypt (827) naman ang mga nangungunang nasyonalidad.
Tulad ng nabanggit, domestic jobs ang nagunguna at pinatutunayan ito ng 6758 mga aplikasyon, laban sa 690 aplikasyon para sa ibang subordinate jobs. Ang aplikasyon para sa mga domestic jobs ang pinakamadali at pinakamura, kung kaya’t maraming employer na sususbukang bigyan ng permit to stay ang kanilang mga kamag-anak at kakilala, ngunit ito ay hindi sapat upang ipaliwanag ang malaking diperensyang nabanggit.
Tila, bago subukan ang mamahaling pamamaraan ng regularization (isang libong at anim na buwang mga buwis at kontribusyon) ang mga kumpanya ay naghihintay na mabigyang linaw ang kanilang mga agam-agam. Napakakaunting mga application ang ipapadala maliban na lamang kung matitiyak nila na ang mga ito ay matatanggap.
Dapat bigyang linaw ang mga patunay ng presensya sa Italya bago ang Disyembre 31, 2011. Ang "mga dokumento mula sa mga pampublikong tanggapan" ay nananatiling isang malabong terminolohiya, at ang kawalan ng mga paglilinaw mula sa Ministry of Interior ay sanhi ng mahirap ng tunay na take off ng regularization.