Pagkatapos ang pagmamadali noong nakaraang buwan, sa ngayon ay hinihintay ang mga huling araw upang mai-prisinta ang dokumentasyon ng renewal. Kiavar (Cisl): “Maraming naniniwala na tutupdin ng pamahalaan ang mga ipinangako”.
Roma – Pebrero 14, 2012 – Maaaring mabigo sina Maroni at Tremonti. Kung ang buwis sa mga permit to stay ay kinakailangan upang punuin ang kaban ng bayan, marahil ay mabibigo ang kanilang layunin. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga imigrante ay nagbabayad ng buwis ngunit naghihintay ng mga pagbabago na ihahayag ng pamahalaan.
Hindi rin makakaligtas ang mga darating sa bansa sa unang pagkakataon, halimbawa, sa family reunification: pagkalagpas sa frontier ay mayroon lamang walong araw upang humiling ng first issuance ng permit to stay. Ang renewal sa halip ay hinihiling animnapung araw bago pa man sumapit ang expiration date nito at ang batas ay walang tinukoy na hangganan ng panahon kung kailan hindi dapat iprisinta ang renewal bago sumapit ang expiration nito.
Kaya, bago pa man sumapit ang 30 Enero, ang simula ng pagpapatupad ng bagong buwis, marami ang nagmadali upang i-renew ang mga permit to stay upang maiwasan ito, kahit mahaba pa ang validity ng dokumento. Ang iba naman ay handang hintayin ang ika-animnapung araw bago ang expiration, sa paniniwalang si Anna Maria Cancellieri buhat sa salita lalong higit sa gawa ay magdudulot ng mga pagbabago, kahit pa mabawasan lamang ang halagang itinalaga. Walang sinuman ang nais na bayaran ang buwis, halos lahat ay nagsasabing hindi makatarungan ang buwis na ito. “
“Ang karamihan – dagdag pa ni Zeinati – ay walang sapat na pera upang bayaran ito. Mayroon kaming ilang mga kaso ng nawalan ng mga trabaho at upang ma-renew ang permit to stay ay nagpa-hire bilang colf sa mga kaibigan at kamag-anak. Sa ganitong mga sitwasyon, ang karagdagang 100 euros ay napakabigat. Malaki ang panganib ng pagiging ilegal ng mga dating regular na imigrante, tumataas na rin ang mga pagtutol.”
Ang CISL ng Milan ay hindi napansin ang pagtutol ng publiko, dahil ang mga appointment ay na-set na, ngunit kanilang ipinapaalam na bukas ang Ministry of Interior at maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa buwis. “Noong nakaraang Biyernes kami ay lumahok sa isang welga sa harap ng Prefecture bilang pagtutol sa buwis at upang hilingin na pahabain ang validity ng mga permit to stay ng mga naghihintay ng panibagong trabaho,” sabi ni Immigration Officer Maurizio Bove.
Para sa mga walang hanapbuhay, paliwanag ng lider ng unyon, ang bagong buwis ay partikular na nakakagalit. “Sa mga nawalan ng mga trabaho, na sa panahon ng krisis ay karaniwang nangyayari, ang permit to stay ay mayroong anim na buwang validity, at dapat magbayad ng dagdag na 80 euros. At pag nakakita muli ng trabaho sa loob ng anim na buwan, ay kailangang i-renew ulit ang permit to stay at magbabayad ng panibagong buwis.”
Kahit si Mohammad Reza Kiavar, isa sa mga president ng Anolf Cisl ng Turin, ay napansin na ang mga request sa renewal ng permit to stay ay halos naka hinto. “Kami ay bukas sa publiko sa pamamagitan ng appointment, at ang sinumang mayroon ng appointment ay pumupunta at inaayos naming ang kanilang kit. Ngunit hindi nila ito dinadala sa post office, dahil ang mga form ay hindi naman nawawalan ng bisa, habang hinihintay pa ang mga pagbabago na maaaring dumating. “
May panganib ba na naghihintay sa wala? “Ang katotohanan na ang buwis ay kasalukuyang ipinatutupad na, sa kabila ng mga anunsyo at panawagan nina Cancellieri at Riccardi, ay nabigo ang marami. Subalit – sabi ni Kiavar – ang pakiramdam ng marami ay magkakaroon ng mga pagbabago. Mayroong pagtitiwala buhat sa mga imigrante sa bagong pamahalaan na hindi naramdaman sa naunang gobyerno”. Isang magandang tulak sa bagong pamahalaan, upang panatilihin ang mga ipinangako.