Isinabatas ang mga susuog sa DL 145/2024 ukol sa pagpasok sa Italya ng mga dayuhan para sa trabaho (decreto flussi) at para sa reunification process, proteksyon at tulong sa mga biktima ng caporalato, at pagbibigay ng international protection status.
Noong nakaraang December 4, tuluyang inaprubahan sa Senado ang decreto legge na nauna nang inaprubahan noong November 27 sa Camera. Kasalukuyang hinihintay ang publikasyon nito sa Official Gazette.
Narito ang mga pangunahing nilalaman ng inaprubahang susog
Decreto Flussi
- Bilang o quota na nakalaan para sa mga kababaihang manggagawa – Para sa taong 2025, ang 40% ng kabuuang bilang o quota ay nakalaan sa mga kababaihang manggagawa.
- Triennial planning o tatlong taong plano mula 2026 hanggang 2028 na magpapahintulot sa mas epektibong daloy nito.
- Nasasaad ang layunin ng labour market test na ibaba sa walo (8) araw mula labinlima (15) araw ang pagsusuri o paghahanap ng available worker sa loob ng Italya. Ito ay magpapahintulot sa mga employer na mapabilis ang tugon mula sa Centri per l’Impiego ukol sa kawalan ng angkop na worker sa bansa at samakatwid magpapahintulot mapabilis ang pagtanggap ng nulla osta.
Basahin din:
- Decreto Flussi: Narito ang mga Pangunahing Pagbabago
- Decreto Flussi 2025: Mga Dapat Gawin ng Employer bago ang Click Days
Ricongiungimento Familiare
- Ang mga regular foreign workers sa Italya ay maaaring makapag-aplay ng ricongiungimento familiare sa pagpunta sa Italya ng asawa, anak o magulang makalipas ang dalawang (2) taon ng regular na paninirahan o pagiging residente sa Italya.
- Magpapatupad ng paghihigpit ukol sa idoneità alloggiativa. Sisiguraduhin ng mga Comune ang pagkakaroon ng angkop na tirahan (tulad ng naaayon sa batas) sa pamamagitan ng mga pagko-kontol.
Basahin din:
- Gabay sa Ricongiungimento Familiare, unang bahagi
- Gabay sa Ricongiungimento Familiare – Ikalawang bahagi
- Ano ang Idoneità Alloggiativa?
- Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification
Pagbibigay ng International Protection Status
- Ang mga mamamayan ng mga bansang itinuturing na ‘paesi sicuri’ ay magkakaroon ng mas mabilis na proseso sa pagkakaroon ng international protection status. Ang mga bansang itinuturing na ‘paesi sicuri’ ay ang mga sumusunod: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia and Herzegovina, Cape Verde, Ivory Coast, Egypt, Gambia, Georgia, Ghana, Kosovo, North Macedonia, Morocco, Montenegro, Peru, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Tunisia.