in

Mga pagbabago sa validity ng mga permit to stay

Ang mga permit to stay ay balido ng dalawang taon, tatlong taon naman matapos ang renewal nito. Ang mga nawalan ng trabaho ay magkaroon ng isang taon upang makahanap ng panibago. Panukala handa na mula sa pamahalaan.

altRoma – Ang pamahalaan ay nagnanais ng reporma sa mga permit to stay. Ang Ministro ng Interior na si Anna Maria Cancellieri ay naghanda ng panukala na ilalatag sa Parliyamento at kung papasa ang nasabing panukala, ay malaki ang magiging epekto nito sa buhay ng mga dayuhan sa Italya.

Kabilang sa ilang tema, ay nabibilang din ang mga permit to stay para sa subordinate job na nais pahabain ang validity, sa first releasing ay dalawang taon, kahit na permanent contract o provisory contract lamang. Sa kasalukuyan ang mga mayroong provisory contract ay binibigyan lamang ng isang taong validity sa mga permit to stay.

Isang extension naman ang maaaring ibigay matapos ang renewal. Ang susog ay nagtataglay ng tatlong taong validity matapos ang renewal ng mga permit to stay para sa self-employment, subordinate jobs at maging sa pam-pamilya. Hindi nabanggit sa susog ang kasalukyang buwis sa mga permit to stay, at tila ang katahimikang ito ay nagpapahiwatig ng pananatili nito. Gayunpaman, ang mas mahabang validity ng dokumento ay magbabawas ng kabigatan sa bulsa ng mga dayuhan.

Ang sinumang nawalan ng trabaho ay pagkakalooban din ng mas mahabang panahon ng  validity. Sa katunayan ay maaaring manatiling nakalista sa employment agency (o collocamento) na mayroong permit to stay ng isang taon upang makahanap ng panibagong trabaho (attesa occupazione) at habang balido ang naturang dokumento ay maaaring tumanggap ng ilang benepisyo.

Hanggang sa puntong ito umabot ang susog ng pamahalaan ngunit kailanging harapin ng mga partido ang kanilang tungkulin . Ang Democratic Party (PD) ay sinang-ayunan ang susog sa mas mahabang panahon ng validity ng mga permit to stay, ang Lega Nord naman ay nananatiling naghahayag ng malaking laban samantalang isang pagkakaiba naman ang buhat sa Popolo della Libertà. Sa pagiging ganap na bill nito sa Parliyamento tsaka pa lamang malalaman ang tunay na konklusyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Willie Revillame may surpresa sa mga Pinoy sa Italya!

Senado, pabor sa mga bagong regulasyon