Ang apat na Consiglieri Comunali Aggiunti na representative ng mga migrante sa Comune di Roma, sa tulong ng Assessorato alle Politiche Culturali e della Comunicazione ay naglabas ng isang proyekto na nagbibigay halaga sa mga kabataan. Ayon sa Caritas/Migrantes , tinatayang halos 5 milyon ang bilang ng mga migrante sa kasalukuyan at umaabot ng 862,000 ang bilang ng mga minors. Sinasabing 629,000 naman ang mga mag aaral at may bilang sa 6,000 ang taunang nagtatapos sa ibat ibang kurso.
Dahil dito, ang proyekto ay inilalaan sa mga kabataan bilang pagkilala sa kanilang talento, kapasidad, at pananaw sa pagiging mamamayan ng bansang kanilang sinilangan gayun din ng pagmamahal sa kulturang kanilang pinagmulan.
Para sa Asia, sa pangunguna ni Romulo Salvador, ay hinati sa ibat ibang sektor ang programa. Ginanap kahapon, ika 14 ng Nobyembre ang unang parte sa pagpapalabas ng isang Filipino film, ‘dukot’ kung saan dumalo ang napakaraming mga Pilipino upang tunghayan ang isang realidad na humaharap sa ‘violations of human rights’ ng bansang Pilipinas. Isang katotohanang hindi dapat itago sa ating mga kabataan.
Sa ika 19 naman ng Nobyembre ay gaganapin ang isang ‘convention’ (Giovani e Cittadinanza: lstruzione per uso) kung saan pag uusapan ang halaga ng pagiging isang citizen. Ang kahalagan ng pagkilala sa bansang sinilangan.
Sa Dec 5, sa Alpheus sala Mississippi ay gaganapin ang pagtatanghal sa sinumang mananalo sa ‘song writing contest’ . ‘Roma Suona dal Mondo’ ang titolo ng contest na naglalayong ihayag sa pamamagitan ng awitin ang tema ng integrasyon at pagbibigay halaga din sa iba’t ibang kultura. Maaaring sumali ang mga banda o manunulat mula 16 hanggang 35 yrs old. Maaaring sa Italian o sa sariling wika isulat ang awitin.
Isang pamaskong handog para sa mga Italian families naman ang tema ng huling parte ng programa. Ito ay naglalayong pasalamatan sila sa kanilang pagtitiwala at pagtanggap sa ating mga PIlipino sa loob ng kanilang mga tahanan. Ang concert, ‘Al mio Datore di Lavoro: Buon Natale!’ay pangungunahan ng ‘Karilagan Singing Group’ sa Teatro delle Emozioni sa Dec. 12.
in Migrasyon
Mga Pinoy, Sali na!!!
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]