in

Mga reject sa Regularization, dahil sa patunay ng pananatili sa Italya

90 % ang hindi napatunayan ang pananatili sa bansang Italya noong 2011. Sa mga pagpupulong ng iba’t ibang ministries at mga union, maging ang ‘hindi’ para sa panibagong direct hire.

Roma – Abril 19, 2013 – Hindi napatunayan, sa pamamagitan ng mga dokumentasyon buhat sa tanggapang publiko, ang kanilang pananatili sa bansa simula 2011. Dahil dito, ay hindi kaylan man magkakaroon ng permit to stay at ng kontrata.

Ang patunay ng pananatili sa bansa ang naging hadlang sa pangarap ng libu-libong mga irregulars na nakipag-sapalaran sa nakaraang Regularization. Ganito ang naging paliwanag ng Sportello Unico per l’Immigrazione sa mga rejected at nananatiling malaki ang problema kung isasaalang-alang na hanggang sa kasalukuyan, isa sa bawat 3 aplikasyon ay rejected. 

Ang hinihinalang dahilan ay kinumpirma sa pamamagitan ng isang analisis ng Viminale na ginawa sa isang pagpupulong sa Ministry of Integration kasama ang ilang mga institusyong may kinalaman sa Regularization, ang mga unyon at mga asosasyon ukol sa imigrasyon at asylum.

 “Ang 90% ng mga rejected ay dahil sa kawalan ng patunay ukol sa pananatili ng mga irregulars sa bansa bago ang Disyenbre 31, 2011. Samakatwid ay hindi dahil sa anomaliya sa dokumentasyon o kawalan ng trabaho bagkus ay isang mahigpit na panuntunan ng proseso”, tulad ng nasasaad sa isang buod ng nasabing pagpupulong na ipinakalat ng kagawaran ng migrasyon ng Uil.

Nangangahulugan na hindi naging sapat ang karagdagang interpretasyon buhat sa Konseho ng Estado, na nagpapahintulot bilang patunay ang mga subscription sa public tranportation, kontrata ng mga mobile phone, medical certificates, certification buhat sa mga emergency centers at iba pa. At ang kinatatakutan ay naganap na.

Sa kabila ng maraming isyu ukol sa halaga at higpit ng dokumentasyon, umabot sa 130,000 ang mga aplikasyon kahit pa naging malayo sa inaasahan. At sa ngayon naman ay ang maraming rejected. Ang kakarimpot na maituturing na tagumpay ng Regularization ay nabawasan pa.

Ang naging analisis ni Natale Fornari, ang direktor sa imigrasyon ng Ministry of Labor,  “noong 2000 ang nakalaang trabaho para sa mga imigrante ay higit kaysa sa pangangailangan. Sa kasalukuyang panahon, bukod sa depekto ng mekanismo ng direct hire at Regularization, ay wala ng trabaho at samakatwid ang Regularization ay para lamang sa kakaunti. Sa halip ang permit to stay na naging mahalaga lamang sa ‘business’.

 “Tapos na ang panahon kung saan ang merkado ng trabaho para sa mga imigrante ay aktibo (regular at hindi), maging kahit pa sa sitwasyong mabagal ang pag-unlad. Sa ngayon, ay halos wala ng trabaho: at ito ang nagpahina sa direct hire o sa regularization”, pagsang-ayon ni Giuseppe Casucci, ang coordinator ng kagawaran ng emigrasyon ng Uil.

 “Kung totoo man ang mga nabanggit ni Forlani, bigay diin ng coordinator – ang haluan ang regularization ng mga paghihigpit ay naging daan lamang upang maging mataas ang presyo sa merkado ng permit to stay. Sa ngayon ay kailangang humanap ng tamang daan para sa mga na-reject ng walang kasalanan.

Ang mga unyon at asosasyon ay humiling ng pagluluwag at ng pagbibigay ng permit to stay upang makapaghanap ng trabaho ang mga imigrante na walang kasalanan sa maling proseso ng regularization. Mula sa Viminale ay tinatalakay ang direksyong ito, “maliban na lamang sa mga lumabag sa batas”.  

Pinag-usapan din ang ipotesi ng panibagong direct hire, na tila malayo at magtatagal pa. Ang direksyon ng Ministry of Labor ay nananatiling: stop sa mga bagong entries, kailangan munang unahin ang maraming walang trabahong nasa Italya na.  

Isang puntos kung saan, tulad ng nasasaad sa buod ng pagpupulong, ang mga kinatawan ay nagkasundo. “Binigyang-diin ng mga unyon – paliwanag sa buod – ang pangangailangan sa politika ng trabaho para sa mga nawalan ng trabaho sa Italya, at napag-alaman ang kawalang-bisa ng direct hire, bukod na lamang sa mga obligatory entries. Isang pamamaraan, gayunpaman, na kailangang baguhin sa hinaharap”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

14 anyos na Pinay, tumalon mula sa 6th floor

Orangotango, kinuha ang t shirt ng turista at isiuot pagkatapos