in

Mga seasonal workers, kailangan na sa agrikultura

Ang kompederasyon ng mga Italyanong magsasaka: "Magpatuloy sa silent-consent at multi-annual permit". Halos 128,000 ang mga non-EU nationals ang nagta-trabaho sa sektor.

Roma – Marso 22, 2013 – "Magpatuloy sa publication sa Official Gazette sa lalong madaling panahon."

Ang Kompederasyon ng mga Italyanong Magsasaka (CIA) ay hinihiling na mabilis na ipatupad ang dekreto na magpapahintulot sa pagpasok ng 30,000 mga seasonal worker. "Ang dekreto – ayon sa mga malilit na kumpanya sa pagsasaka – ay pinakahihintay na tulad ng aming hiniling ilang buwan na ang nakakalipas. Dahil dito ay inaasahan namin na sa lalong madaling panahon ay makukumpleto ang proseso ng teknikal at legal na dokumentasyon" .

Ayon pa sa mga magsasaka, ang administratibong pamamaraan ay hindi pa rin naabot ang maayos at mabilis na antas na kinakailangan ng mga kumpanya upang maisaayos ang mga aktibidad ng 'panahon'. "Ang taong ito, higit pa noong 2012- ayon sa CIA – ay dapat na tapusin ang semplipikasyon sa prosedura, tulad ng silent-consent at multi-annual permit, bilang promosyon sa mga pamamaraan ng pagpasok sa merkado ng trabaho sa bansa at sa 'katapatan' sa pagitan ng mga kumpanya at manggagawa, na sa sektor ng agrikultura, ay napakahalaga. "

Ang foreign labor ay isang pangunahing bahagi ng sektor, lalo na sa mga malalaking anihan – paalala ng CIA – at ngayon ay tinatayang 128,000 ang mga non-EU nationals na nagta-trabaho sa Belpaese. Partikular, ang higit sa kalahati (53.8%) ay taga-ani ng mga  prutas, ikatlong bahagi naman o  (29.9%) ang naghahanda sa anihan ng mga kamatis, gulay at tabako; 10.6% naman ang mga nagpapastol sa hayop, ang 3.2% naman ang nangangalaga sa mga halaman at bulaklak at ang natitirang 3.5% ay para iba pang mga aktibidad tulad ng pagbebenta ng mga produkto.

 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3 Pinoy, bigo sa planong pagnanakaw, naghiganti

Isang tanggapan para sa sa ikalawang henerasyon, bubuksan sa Milan