Ayon sa Unioncamere: Kumakatawan ang mga ito sa 11,1% ng GDP, ngunit sumasahod ng mas mababa kaysa sa mga Italyano.
Ilang araw na ring patuloy na binabanggit sa mundo ng politika ang trabaho ng mga imigrante sa Italya. Ang Labour Minister Sacconi ang pinaka huli sa listahan na naghayag kaninang umaga kung paano ipinagpapatuloy ng mga dayuhang manggagagwa ang trabahong tinatanggihan ng mga Italians.
Ngunit ano nga ba ang mga trabahong karaniwang tinatanggihan na ng mga Italians? Ayon sa mga impormasyon na ibinigay ng Caritas, ang mga pizza makers sa Milan ay mas Egyptian kaysa Neapolitans. Sa Val di Non sa halip, ay lumitaw na ang mga mansanas ay eksklusibong ipinagkatiwala ang pag-aani sa mga Senegalese, habang sa Veneto naman ang pangungulti (tanning) ay nakasalalay sa kamay ng mga Nigerian workers. Sa Reggio Emilia ang mga messengers at milkers ay halos lahat Indians, at ang mga Sikh naman ay karaniwang nag-aalaga ng mga kalabaw sa Campania ng higit sa mga Italians.
Kabilang sa mga pinaka-aktibong mga komunidad ay ang mga mangingisdang Tunisians sa Mazara del Vallo, na naging lubhang kailangan sa Sicily. Habang ang karamihan ng mga driver ng trak ay ang mga Albanians at Romanians. Samantalang nangunguna pa rin sa listahan ang mga Pilipino bilang mga domestic o colf, habang ang mga caregivers ay halos lahat Ukrainian o Moldovan.
Kilala rin ang mga imigrante bilang negosyante : Kilala sa Carpi (modena) at sa Prato ang mga Chinese sa kanilang mga tela, gayun din sa Arzigano (Vicenza) ang pangungulti ay karaniwang mga Moroccans at Serbs.
Narito ang listahan ng mga trabahong tinatanggihan ng mga Italyano trabaho kung saan ang halos 4 na milyon at kalahating regular na mga dayuhan ay ang syang ikinabubuhay. Ayon sa isang ulat ng Unioncamere 2008, ang mga dayuhan ay kumakatawan sa 11, 1% ng PIL (Prodotto Interno Lordo) o GDP (Gross Domestic Product) ng bansa.
Subalit kung suweldo o sahod ang pag-uusapan, ang mga dayuhan ay mas may mababang sahod kaysa sa mga Italyano: karaniwang 971 € ang buwanang sahod ng mga dayuhan kumpara sa 1258 € na kita ng mga Italians.