in

Mga unang appoinments ng regularization, sinimulan na

Ang mga Sportelli Unici per l’Immigrazione ay sinimulan na ang pagbibigay ng appointments upang pirmahan ang contratto di soggiorno, maging sa Rome at Milan. Sa kasalukuyan ay wala pang approximate date ng pagtatapos nito.

Rome, Nob 7, 2012 – Ang regularization ay nasa ikalawang hakbang na, ang pagsusuri ng mga aplikasyon ay sinimulan na sa buong Italya, ngunit mayroon din naman na mapalapit na ang panahong pinaka-aasam, ang matanggap ang permit to stay.

Maraming mga Sportelli Unici per l’Immigrazione, kabilang ang mga nakatanggap ng mas maraming aplikasyon, ay sinimulan na ang pagbibigay ng mga unang appointments sa mga employer at worker. Ito ay nangangahulugan na matapos ang ok una ng Questura, na nagsuri ng pagkakaroon ng mga hadlang, at pangalawa ng Direzione Territoriali del Lavoro, na nakatutok naman sa income status ng mga kumpanya at ng mga pamilya, ay handa na upang pirmahan ang contratto di soggiorno

Ang appointment sa Sportello Unico ay hindi maitutuirng na simpleng formality lamang. Sa araw na ito, halimbawa, ang employer ay ipapakita ang katibayan ng pagbabayad sa mga arretrati at ang worker naman ay dapat ipakita ang katibayan ng panantili sa bansa noong Dec 2011: “Nagbigay ng inidikasyon ang Ministry of Interior at ang State Legal Advisory (Avvocatura dello Stato), ngunit ang mga katibayan ay siguradong malawak at iba-iba at mangangailangan ng masusing pagsusuri bawat kaso”, paliwanag ng Viceprefect Ferdinando Santoriello, ang responsabile sa SUI sa Roma.

Ang mga unang appoinments sa Rome ay nakatakda sa kalahatian ng buwang kasalukuyan. “Kami ay magsisimula sa maliit na bilang lamang at magpapahintulot sa 40 appointments araw-araw. Dadagdagan namin ang mga ito makalipas ang first trial stage. Dahil dito ay napaka-aga pa para malaman kung kailan magtatapos, bukod dito ay mayroon na rin kaming ginawang request ng mga karagdagang dokumentasyon at kailangang i-evaluate ang ilang refusal”, ayon pa kay Santoriello na kasama ang kanyang buong team ay kailangan pangalagaan ang 14,000 application.

Kahit sa Milan, na nakatanggap ng pinakamaraming application, 19,000, ay sinimulan na ang 400 appoinment at ang ilan ay sinimulan ngayong araw na ito. “Nagsimula kami sa five windows, bawat window ay hahawak ng 12 appointments araw-araw. Samakatwid ay aabot kami sa halos 500 kada linggo” ayon sa SUI.

Ang Cisl sa Milan ay humawak sa 400 employers at workers na nagsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng patronato ng Cisl: “Kami ay nagbibigay ng impormasyon sa mga dokumento na dadalhin sa Sportello Unico at sa buong proseso ng sanatoria. Ngayon ay umaasa kami na magiging mabilis, ang mga aplikasyon ay kalahati lamang kumpara sa nakaraang sanatoria, at matatapos ang lahat ng ito sa loob ng isang taon”, ayon sa responsabile ng immigration department na si Maurizio Bove.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online Registration at Voting ng mga Pinoys abroad, mamadaliin

Gay marriage, indikasyon mula Interior para sa carta di soggiorno