Ayon sa ‘Immigration Advisory Council’ o Consulta: “Labag sa Saligang-batas ang hingin ang permit to stay para sa kasal”. Ibinasura ang patakarang ninais ni Maroni & Co, na naging sanhi ng pagbaba sa bilang ng mga mixed marriages.
Rome – Kung nagmamahal ng isang ‘undocumented’ na dayuhan at nagnanais na dalhin ang taong ito sa harap ng dambana, ihanda na ang mga confetti.
Simula sa ngayon, maaari ng ikasal sa Italya kahit ang mga dayuhang walang permit to stay. Ang paghahayag ng labag sa saligang-batas at walang anumang epekto ang itinalaga ng batas sa seguridad na inayunan ng pamahalaan na kinakailangan ang ‘permit to stay’ sa kasal dalawang taon na ang nakakaraan.
Ito ay ipinagtibay sa pamamagitan ng Constitutional Court sa isang pasyang isinampa sa araw na ito ni Judge Alfonso Quaranta na naghahayag “labag sa Saligang batas ang Artikulo 116, unang talata, ng Civil Code, sinusugan ng art. 1, talata 15 ng Batas noong Hulyo 15, 2009, bilang 94 (mga probisyon na kaugnay sa pampublikong kaligtasan), limitado sa mga salitang ng isang dokumento na maaaring magpatunay ng legal na pananatili sa Italya. ”
Ayon sa Immigration Advisory Council o Consulta, ang paghingi ng permit to stay ay isang pagsira sa karapatan (Artikulo 2 ng Saligang-Batas), partikular ang pagpapamilya (art. 29). Ito ay isang pinsalang hindi kayang pantayan, ayon sa sentensya, hangarin at layuning gawing pamantayan ni Maroni & Co upang labanan ang iligal na imigrasyon. Ito ay makakaapekto hindi lamang sa migrante, ngunit pati sa kanyang magiging kabiyak na Italyano.
Ang advocacy ng pamahalaan sa pagtatanggol sa nasabing patakaran ay naging walang kabuluhan, at ang labanan ang bayad at pekeng kasalan kung saan ang mga iligal na dayuhan ay nagbabayad lamang upang magkaroon ng permit to stay ay interes at hinahadlangan ng nakakarami. Ang Constitutional Court gayunpaman ay tinanggihan ang batas na naglalayong suriin kung tunay ang pagsasama ng mag-asawa upang labanan ang ganitong uri ng sitwasyon.
Sa madaling salita, nanalo ang pag-ibig, samantalang ang batas na ninanais ng PDL at Lega ay nawalan ng malaking bahagi. Na hanggang sa ngayon ay nagtagumpay upang hadlangan ang paghahatid sa altar ng maraming magkasintahan na naging sanhi ng pagbaba sa bilang ng mga mixed marriages at nagtutulak sa mga ito na magpakasal sa sariling bansa o sa San Marino.
Binabati namin ang lahat ng magkatipan at isang paalala sa lahat ng magkasintahan: Maging mabuti, at tirhan ng isang slice na cake si Minister Maroni.