in

Middle name ng mga Pilipino sa Italian document tatanggalin

Kamakailan lamang, nagpadala ang Embahada ng Pilipinas ng opisyal na liham sa Ministry of Foreign Affairs ng Italya upang hilingin sa mga Italian authorities na isulat na lamang ang apelyido at tunay na pangalan sa anumang dokumentong italyano upang maiwasan ang “confusion” sa middle name na pinaniniwalaang ito ay “second given name”. Nakasanayan ng maraming Italian offices na isulat ang pangalan ng mga Pilipino kasunod ang middle name na naging sanhi ng kalimitang request ng affidavit sa Embahada bilang patunay sa kaniyang tunay na “identity”, kaya’t hiniling ng Embahada na tanggalin na ito at sundin na lamang ang pagsulat ng pangalan tulad ng stilo sa pagsulat ng pangalan ng mga italyano.
“Ang Embahada po officially ay nagrequest na sa Italian Ministry of Foreign Affairs para i-discontinue ‘yung practice ng paglalagay sa middle name na inilalagay ito sa given name,” – ang pahayag ni Minister and Consul General Danilo Ibayan sa panayam. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Charice – “Icon of Tomorrow” sa US Teen Magazine Awards

Patuloy pa rin ang pagtatalo sa pagitan ng mga partido.