in

Migrante, karaniwang biktima ng kanser dahil sa kakulangan ng medical controls

Maling lifestyle at kaunting medical controls, ito ang alarma ng mga oncologists: “Kailangan ng karagdagang impormasyon”. “Kami ay tututok sa ikalawang henerasyon, na maaaring mamagitan sa mga magulang at pamilya upang baguhin ang kasalukuyang pananaw.”

altRome – Ang kanser ay pumapatay ng mas maraming migrante kaysa mga Italyano. Kakaunti ang mga preventions at maging ang medical check-ups (lalo na sa mga di-regular). Bilang resulta, ito ay lumalala at natutuklasan halos huli na ang lahat.

Ito ang alarmang inihayag ngayong araw na ito ng Italian Association of Medical Oncology (AIOM), na nagsagawa ng isang pag-aaral sa Bologna na nakatuon sa ” Problematiche oncologiche nei migranti: dall’emergenza alla gestione”. Susundan ito ng iba pang mga inisyatiba at mga flyers na isasalin sa maraming wika at ia-angkop sa iba’t-ibang kultura, upang maipamahagi sa pakikipagtulungan ng iba pang mga tanggapang pang-agham.

“Napag-alaman ang pagdami ng tumors sa mga migrante na karaniwang nauugnay sa hindi tamang lifestyles (baga, ulo at leeg, colorectal, tiyan) at ang kakulangan ng access sa screening (servikal, dibdib at colorectal). At bilang resulta, ang late diagnosis, at nalalaman na lamang kapag ang tumor ay malala at mas malubha na” ayon sa president ng AIOM, prof. Carmelo Iacono.

“Sa mga populasyong ito –  dagdag pa ng presidente – ay mayroong mas mataas na posibilidad ng kanser sa atay na nagmumula, sa karamihan ng mga kaso sa cirrhosis, uri ng hepatitis B at karaniwang matatagpuan sa mga hindi nakatanggap ng bakuna laban sa virus.

Ayon sa Coordinator ng mga Assessors sa Kalusugan (coordinatore degli Assessori della Sanita’ della Conferenza Stato-Regioni), Luca Coletto, “pagkatapos ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng mga migrante, ay kinakailangang suriin kung ang inaalok ng Livelli Essenziali di Assistenza dell’oncologia (LEA) ay akma sa mga pangangailangan ng mga migrante. Ang mga pangunahing problema ng mga dayuhan ay ang wika, kakulangan ng kaalaman tungkol sa operasyon at kung paano ang access at paggamit ng health care at ang distansya sa mga operator. “

Isang malaking tulong ay maaari ring manggaling sa mga anak ng mga migrante. “Kailangan natin bigyang-diin ang pag-iwas, sa pamamagitan ng pagkikilahok ng “ikalawang henerasyon “- ayon pa kay prof.  Marco Venturini, ang kahahalal lamang na presidente ng AIOM -. Sila ay mga mamamayang nagsasalita ng mahusay ng ating wika, lumaki sa Italya, at magiging tagapamagitan para sa translation, komunikasyon, impormasyon sa mga magulang at kumakatawan sa isang di mapapalitang resources bilang tagapagtaguyod ng kulturang baguhin ang pananaw sa kalusugan ng mga pamilya. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mas mahal na car insurance sa mga dayuhan. Dalawang kumpanya nireport.

FEDERFIL-ITALY inilunsad!