Ito ang kwento ng sumukong human trafficker ukol sa mga hindi makabayad ng pamasahe. Internasyunal na sindikato, 38 arestado sa Italya.
Hulyo 4, 2016 – Pinatay ang mga migrante upang kunin ang internal organs at ibenta ito ng iligal para sa transplant. Kasama rin ito sa nakakapangilabot na human trafficking.
Ito ang isiniwalat sa mga investigador ni Nuredin Atta Wehabrebi, ang lahing Eritrean na sumukong human trafficker at nakikipagtulungan sa awtoridad isang taon na. Ito ay impormasyong nakalap din mula sa mga pinaghihinalaang organizers sa Libia pati na rin sa mga nakasalbang migrante at nakarating sa Italya.
“Kadalasan – ayon sa kanyang statement – ang mga migrante ay walang sapat na pera upang bayaran ang pamasahe o walang malapitan, ikinuwento sa akin na ang mga taong ito na hindi kayang magbayad ay ibinibigay sa mga Egyptians na pumapatay sa mga ito upang makuha ang kanilang mga internal organs at maibenta ang mga ito sa Egypt na nagkakahalaga ng $ 15,000. Ang mga Egyptians ay may sapat na kagamitan upang kunin ang internal organs at ibiyahe ang mga ito sa loob ng thermal bag”
At salamat sa naging deklarasyon ni Wegabrebi at napasimulan ang operasyon “Glauco 3” ng hukom sa Palermo at sa pangunguna ng mga Sicilian police ay inaresto ang 38 katao sa Palermo, Roma, Viterbo, Agrigento, Catania, Trapani, Milano, Lecco, Macerata at Genova. 25 ang mga Eritreans, 12 Etiopians, 1 Italian ang akusado sa iba’t ibang kaso ng kriminalidad bukod pa sa iligal na migrasyon, illegal financial mediator, international human trafficking at marami pang iba.
Ang sindikato ay kumikita ng 1 million euros sa isang taon, mula sa mga taong matapos makarating sa Libia ay pumupuntang Italya gamit ang mga bangka at mula dito ay maghahanap ng paraan upang makarating sa ibang bahagi ng Europa, partikular sa Germany, Netherlands at mga Scandinavian countries. Bawat biyahe ay may katumbas na mataas na presyo.
“Ang buong organisasyon – isinulat ni prosecutor ng Palermo Franco Lo Voi, adjunt prosecutor Maurizio Scalia at substitutes Claudio Camilleri at Calogero Ferrara – ay operasyon ng mga tunay na kriminal, na mayroong operating network at may nakatalagang gawain o assignments upang maisagawa ng malinis ang pagbiyahe, makapasok sa Italya at iligal na manatili dito. Susunod dito ay ang pagtatapos sa biyahe at pararatingin sa North Europe kung saan naghihintay ang kaanak o kaibigan”.
Tinutulungan ng mga trafficker na makatakas sa shelter o centri di accoglienza at dinadala sa Roma at Milan at mula doon ay paghiwa-hiwalayin. Sa isang bar sa Palermo at sa isang perfume shop malapit sa Stazione Roma Termini ay nagaganap ang bayaran buhat sa mga kaanak sa pamamagitan ng money transfer o informal system ng hawala upang maipagpatuloy ang biyahe. Matapos kunin ng mga organizers ang kanilang komisyon ay ipinapadala ang bayad sa pangunahing organizers nito sa Africa.
Ang mga pasahero naman na mayroong kapasidad na magbayad ay iniiwasan ang perikolo sa karagatan. Ayon sa mga investigators, hinihingan ng sindikato mula 10,000 to 15,000 euros kada tao, at ginagawan ang mga ito ng false certificates tulad ng marriage certificate na syang ginagamit upang makapasok sa Europa sa pamamagitan ng regular na entry visa sa pamamagitan ng family reunification.