in

Mini decreto flussi, pinaghahandaan

Para sa 2016 hangad ang isang mas epektibong programa sa pagbubukas ng regular na pagpasok ng mga seasonal workers at self-employed workers at conversion ng mga permit to stay sa Italya.

 

Walang anumang sorpresa sa nalalapit na ‘flussi’ o ang pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa Italya. Parehong bilang ngunit mapapalitan ang aspeto nito.

Ang Ministry of Interior at Labor ay kasalukuyang naghahanda ng bagong mini-decreto flussi, na maaaring lumabas ang parehong bilang ngayong taon. Maaaring ang tanging pagbabago ay ang pagsasamahin ang dalawang uri ng flussi: sa iisang dekreto ay magbubukas muli ang seasonal job para sa 13,000 seasonal workers, at ilang libong entries din para sa mga entrepreneurs o subordinate workers na lumahok sa mga training and formation courses sa sariling bansa at ilang daan para sa pagpasok ng mga South Americans na may lahing italyano.

Malaking bahagi gayunpaman, tulad noong nakaraang taon, halos 12,000 ang bilang na ilalaan sa mga conversion. Ito ay maaaring gamitin ng mga dayuhang manggagawa na nasa Italya na dahil sa ibang dahilan tulad ng seasonal job, mag-aaral, o permanent residents sa ibang EU countries na maaaring palitan ang kanilang lumang permit sa self-employment o subordinate. Ang dekreto ay inaasahang lalabas hanggang Enero 2016, upang ang mga aplikasyon ay maisumite sa susunod na taon.

Ang bigong ‘flussi stagionali’

Ito ang lumabas mula sa isang pagpupulong kamakailan sa Immigration Department ng Ministry of Labor kasama ang mga kinatawan ng Cgil, Cisl at Uil. Ito ay pagkakataon rin upang ilabas ang mga komento at suriin ang mga dahilan ng pagkabigo ng huling seasonal job nitong 2015. Sa 30,000 aplikasyong isinumite, halos 2,000 lamang ang nagkaroon ng employment contract dahil na din sa matinding pagkaantala sa pagsusuri ng mga aplikasyon: halos 5,000 lamang ang mga opinyong ibinigay ng mga concerned offices.

Ano pa ang silbi ng flussi stagionali sa ganitong sitwasyon? – tanong ni Giuseppe Casucci, ang coordinator ng National Migration Policy Department ng Uil, – ang mga manggagawa ay hindi nakarating sa panahong kailangan ng agrikultura at dahil dito ang sindikato ay nagmistulang mas mahusay pa na pagsalubungin ang demand at supply, sa kabila ng exploitation na napapaloob dito. Hindi rin makatotohanan para sa akin ang magkaroon muli ng mga seasonal decree kung hindi naman naging possible ang pakinabangan ang malaking bahgai nito ng 2015.

Entries para sa tunay na trabaho

Magandang balita? Isa lamang. Marahil ay nakumbinsi sa bahagyang pagtaas ng employment rate ng mga dayuhang manggagawa, at ang gobyerno ay tila handa ng magsimula para sa mas seryosong programa ng pagpasok ng mga manggagawa para sa trabaho mula sa labas ng Italya, na natigil na noong 2010 pa, sa huling paglabas ng decreto flussi.

Ang makinarya ay nagsisimulang ulit. Sa lalong madaling panahon ay isang pagpupulong muli ang inaasahan ng mga ministries (Interior, Labor, Foreign Affairs), mga lokal na awtoridad, unyon at asosasyon ng mga employers, upang sagutin ang mga katanungang ito: Ilang bagong dayuhang manggagawa ang kailangan ng Italya? Sa anong sektor? Pagkatapos ng diskusyon, at tsaka pa lamang itatalaga ang bilang at ang ok sa bagong entries. Ito ay nangangailangan ng ilang buwan at marahil ay taon.

Ito ay tila isang bintana ng pag-asa para sa pagkakaroon ng epektibong regular na pagpasok sa bansa, salamat sa pagkakaroon ng nakalaang quota o bilang kasama ang mga bansang nakikipagtulungan sa Italya upang labanan ang iligal na pagpasok. “Ilang taon na rin na walang ibinibigay na kapalit sa kanilang pagsusumikap – paalala ni Casucci – samantala maraming mga mamamayan ng kanilang bansa, upang makarating at maghanap ng trabaho dito at nanganganib ang knailang buhay kasama ngmga refugees sa karagatan ng Mediterranean”.

 

EP/PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consular outreach ng Embahada ng Pilipinas, ginawa sa Reggio Calabria

Mga Imigrante, driver ng mga pampublikong transportasyon maging sa Genoa