Ang minimum wage ng mga colf, babysitters at caregivers ay ina-update taun-taon batay sa pagbabago ng cost of living. Narito ang minimum wage 2016 for domestic jobs.
Roma, Enero 20, 2016 – Ang minimum wage at ang allowance para sa board and lodging ng domestic job ay bahagyang tumaas sa Italya.
Taun-taon, ang komisyon na binubuo ng mga unyon at employer ay nagtitipon sa Ministry of Labor and Social Policy at itinatalaga ang bagong minimum wage. Ito ay nagbabago batay sa antas ng trabaho ng manggagawa, kung naka-live in o hindi at sa uri ng trabaho (kung part time o over night assistance).
Upang maging regular, ang sahod ay kailangang hindi bababa sa mga halagang itinakda ng batas na ipatutupad ngayong 2016. Samakatwid, ito ay kailangang isaalang-alang ng employer simula sa sahod ngayong Enero.
“Ito ay tumutukoy sa taunang update ng minimum wage at halaga ng board and lodging na tumutukoy sa huling bahagi ng increase na nasasaad sa contract renewal ng 2013, habang ang value naman ay hindi nagkaroon ng pagbabago dahil sa ISTAT”, ayon sa Federazione Italiana dei Datori di Lavoro Domestico (Fidaldo).
“Batay sa mga huling pagbabago – dagdag pa ng Fidaldo – inaasahan na maging ang halaga ng kontribusyon ng Inps ay magbabago rin kumpara sa halaga noong nakaraang taon na nananatiling balido hanggang ngayon. Gayunpaman, ay kailangang hintayin ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng opisyal na komunikasyon buhat sa Inps”.
Basahin rin: Minimum wage 2016 para sa domestic jobs