Ang asosasyon ng mga employers at unyon ay nagtakda ng mga bagong minimum wage para sa domestic job.
Roma, Enero 23, 2017 – Narito ang itinakdang bagong minimum wage ng asosasyon ng mga employer at mga unyon na balido hanggang Dec 31.
Bahagyang tumaas ang minimum wage sa domestic job sa Italya nagyong 2017.
Ang bagong minimum wage ay itinakda noong nakaraang linggo sa Ministry of Labor ng asosasyon ng mga employers (Fidaldo at Domina) at mga unyon (Federcolf, Filcams Cgi, Fisascat Cisl at Uiltucs) na pumirma sa National Collective Contract sa Domestic Job. Kanilang isinaalang-alang ang pagtaas sa cost of living, na ayon sa Istat ay halos 0,1% lamang.
Ang minimum wage ay nagbabago batay sa antas ng trabaho (mula level A, para sa mga colf na walang karanasan hanggang level DS para sa mga skilled care givers na may karanasan sa taong non-sufficient), live-in o hindi ang worker, full time, part time o para sa night shift lamang. Sa itinalagang bagong minimum wage ay kabilang din ang allowance sa board at lodging.
Ang itinakdang minimum wage ay balido mula Jan 1 hanggang December 31, 2017.
Tabella F: indennità minima vitto e alloggio 2017
source: Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali