Ang ticket sa public transportation (o tessera), “kung mayroon itong photo at personal datas”, ay maaaring gamiting patunay ng pananatili sa Italya ng dayuhan simula dec. 31, 2011. Ang paglilinaw ng Viminale sa isang asosasyon ng mga volunteers, habang hinihintay ang isang Circular na magtatanggal sa lahat ng mga alinlangan.
Roma – Oktubre 3, 2012 – "Bagama't hindi nagmula sa pampublikong kinatawan, ay maaaring isaalang-alang bilang katibayan ng patuloy na presensya sa Italya simula 31/12/11, ang mga subscription o tessera ng public transportation?"
Ito ay isa sa mga requirements sa regularization na noong nakaraang Huwebes ay ipinadala ng Naga sa Ministry of Interior. Parehong konsiderasyon buhat sa maraming mga irregulars na inihaharap sa mga asosasyon ng mga volunteers sa Milan, na sya namang kumikilos upang magbigay ng angkop na impormasyon sa publiko at maging face-to-face consultation upang makatulong makaiwas ang mga irregulars sa mga panloloko.
Ang kasagutan ay dumating kahapon at maituturing na magandang balita para sa mga libo-libong invisibles na umaasang magiging regular. Ang mga tessera o subscription sa public transportation, paliwanag ng mga experts ng Viminale ay mga patunay kung ang mga ito ay nagtataglay ng “photo at personal datas”. Tema na hindi limitado lamang sa Atm Milan, ngunit sa lahat ng mga na-isyu na tessera buhat sa kumpanya ng mga public transportation sa buong Italya.
Iniulat ito ng Naga at pati ang iba pang mga kasagutan sa Stranieriinitalia.it. "Tama ang ikalat ang impormasyon sa lahat. Ang katibayan ng presensya sa Italya ay isa sa pinaka-malabong putos ng regularization, marami ang hindi nagpapadala ng application dahil hindi siguradong mapapatunayan ang pananatili sa bansa simula noong nakaraang Disyembre at inirerekumenda namin na maghintay ng mga paglilinaw na ihahayag ng ministeryo", paliwanag ng legal department.
Mainit ang tema. Ang Naga ay mayroon ding klinika para sa mga undocumenteds at marami sa dating pasyente ang humihiling ng mga kopya ng medical records, at umaasang magagamit ang mga ito bilang katibayan. "Ngunit ang sagot namin ay hindi posible, dahil kami ay isang asosasyon ng mga volunteers, hindi isang public institute", paliwanag ng mga operators.
Ang paglilinaw na ibinigay kahapon ng Ministry of Interior (narito ang exchange of emails) ay malawak pa rin ang nasasaklaw. Dahil maraming mga imigrante ang gumagamit ng bus at metro, ngunit lalong higit dahil tila ang interpretasyon na iminungkahi ng mga asosasyon at mga unyon, ay mga katibayan ng presensya ay maaaring magbuhat din sa mga privates na nagbibigay ng public service.
Ang mga kinatawan na nagpapatunayan ng presensya sa Italya, ay nagsabi kamakailan, mismo ang prefect na si Mario Morcone, “hindi maaaring bigyan ng limitasyon sa public admnistration lamang”. At idinagdag, “personally, para sa akin ang mga train tickets ng Trenitalia at maging ang mga subscription sa public transportation ay maaaring gamiting patunay. Mahalaga na ang mga bagong pamantayan ay uniporme ang application sa buong Italya at ito ay aming pinagsusumikapan”.
Ang kasagutan ngayon, na hindi pa nalalathala kasama ng mga FAQ sa website ng Ministry of Interior, ay kinukumpirma sa wakas na pinapalawak ang regularization, kahit pa kasalukuyang hinihintay pa rin ang pagiging opisyal ng paglilinaw, ang paglabas ng circular na magtatanggal sa mga alinlangan na magpapahintulot sa “pantay na pagpapatupad sa buong Italya”. Dalawang linggo na lamang bago matapos ang panahong itinakda, ay hindi pa rin malinaw ang mga pamantayan ng nasabing regularization.