Mga dayuhan, ipinakita ang kaalaman sa wikang Italyano na nasa A2 level. 13% lamang ang mga hindi pumasa sa pagsusulit, ngunit may malaking pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang lalawigan.
Rome – Mula noong nakaraang Disyembre, ang kaalaman sa wikang Italiano ay naging isa sa requirements sa pagkakaroon ng EU long term residence permit o ng dating carta di soggiorno.
Exempted sa naturang exam ang mga may diploma sa sekundaryong paaralan o sa sinumang dito sa Italya nagtapos o kumuha ng master’s degree. Sa ibang kaso, may dalawang paraan upang patunayan ito: ang ipasa ang italian test na sa mga Permanent Regional Center sa migrasyon o sa pamamagitan ng isang sertipiko na naghahayag ng kaalaman sa wika at hindi bababa sa “A2” ang level nito, na inisyu ng Società Dante Alighieri, ng mga Unibersidad para sa mga Dayuhan ng Perugia o Siena at sa Unibersidad ng Roma Tre.
Sa mga sertipikong ito diumano may mga kaguluhan, kung kaya’t ang Ministry of Interior, ilang araw na ang nakaraan, ay nagpadala ng isang ‘sample’ sa lahat ng mga istasyon ng pulis (Questure), kasama ang cards o catalog na nagsasaad ng mga katangian at pamamaraan sa pagbibigay ng nasabing sertipiko (maaaring i-download mula sa mga link sa ibaba ng artikulo). Ang mga sertipiko ay iniisyu lamang sa mga kandidato na pumasa sa eksaminasyon na kinikilala ng apat na ahensiya, isang punto na dapat ay suriing mabuti bago magsimula ng kurso sa Italian language.
Samantala, maaaring ihayag ang mga unang resulta ng pagsusulit sa mga Single Desk for Imigration (Sportello Unico) at CTP, na nagsimula noong Pebrero.
Sa ngayon, umabot sa dalawampung libong kandidato ang dumaan na sa pagsusulit sa buong Italya, at may average ng 13% ang mga bumagsak sa pagsusulit. Isang mausisang pagsilip sa mga detalye, gayunpaman, sa mga Provincia, inilathala dalawang linggo ng nakaraan ng Il Sole 24 Ore, na ang pagsusuri ay tila mahirap (o ang mga kandidato ang tila hindi handa) ayon sa lalawigan kung saan ginananp ang pagsusulit. Sa Turin, Rome at Naples ay may higit sa 95% ang mga pumasa, sa Venice at Vicenza ay bumaba sa 70% at sa Verona naman ay 65%.
Sa mga datas na ito, iminumungkahi ang karagdagang pagsisiyasat sa ipagkakapareho ng pagsubok at pamantayan sa pagsusuri sabuong bansa.
Mga paglilinaw ng Ministry of Interior
Sample certificate ng Società Dante Alighieri
Sample certificate ng Univ. per stranieri di Perugia
Sample certificate ng Univ. per stranieri di Siena
Sample certificate ng Univ. Roma Tre