in

Ministry of Interior, nagpaliwanag ukol sa ‘refund’ ng mga permit to stay

“Uunahin muna ang pagtatalaga ng bagong halaga ng buwis (o kontribusyon), pagkatapos ay ang request of refund ng mga imigrante”. Wala pang mga form para dito. Narito ang Circular sa mga Questure.

 

Roma, Nobyembre 8, 2016 – Ang buwis ng mga permit to stay ay nagkahalaga ng halos kalahating bilyong euros. Bagaman masaya ang mga imigrante sa pagtatanggal dito ay hinihingi nilang ibalik ang kanilang ibinayad.  

Sa kabila ng matinding ‘richiesta di rimborso’, ay tila nananatiling kalmado ang Ministry of Interior. “Imposible –  paliwanag nito – na matukoy ang halagang dapat ibalik sa mga imigrante. Kailangan munang hintayin na maitalaga ang bagong halaga ng buwis para sa releasing at renewal ng mga permit to stay”.   

Ang European Court of Justice, ang TAR ng Lazio at ang Council of State ay inihayag na ang halaga ng buwis sa nakaraan ay hindi angkop at hindi makatarungan, ngunit hindi kailanman binanggit anong halaga ang angkop at makatwiran. Matatandaang sa naging hatol ay nagkaroon ng paghahambing sa carta d’identità (na nagkakahalaga lamang ng halos 5 euros) ngunit ito ay hindi sapat at malinaw na ang mga bagong halagang itatalaga ng batas ay kailangang mas mababa kaysa sa halaga nito sa nakaraan. 

Ang mga concerned Office ay muling magtatalaga ng halaga ng buwis o kontribusyon, tulad ng makikitang isinulat ng mga hukom ng Council of State sa hatol noong nakaraang Oktubre 26. Ang parehong mga tanggapan din ang magtatalaga kung kailan at sa anong paraan ang pagbibigay ng refund sa mga nagbayad sa nakaraan”. 

Samakatwid, isang panibagong dekreto buhat sa mga Ministries of Interior at Economy ang magbibigay ng bagong halaga at kung magkano ang dapat bayaran sa nakaraan. Mula sa puntong ito ay malalaman ang diperensya (o difference) sa pagitan ng dalawang halaga at ang halagang ibabalik sa mga imigrante. At hanggang wala ang mga bagong halagang ito, paliwanag pa noong Oct 28 ng Viminale sa lahat ng mga Questure, ay walang anumang form para mag-request ng rimborso.  

Upang maiwasan na ang mga Immigration Offices ay datnan ng mga richiesta di rimborso ng halagang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa alam ng sinuman – mababasa sa isang Circular ng Immigration Department – ipinapaalam na ang mga form ay matatagpuan sa website ng Stranieri Web (website na ginagamit sa proseso ng mga permit to stay) matapos ang paglabas ng isang Circular kung saan nasasaad ang mga bagong halaga ng kontribusyon”. 

Narito ang Circolar

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na LIMPOMA

Marcos, ililibing na sa Libingan ng mga bayani