in

Ministry of Labor: 450,000 mga dayuhang naghahanap ng trabaho

Kabilang dito ang mga dumating dahil sa family reunification.

Roma, Disyembre 15, 2012 – Tinatayang hindi bababa sa 450,000 ang mga imigrante na naghahanap ng trabaho kabilang ang mga dumating sa bansa dahil sa family reunification, halos 40,000 naman ang ang mga huminto ng pag-aaral. Dahil dito, bigay-diin ng General Director ng Department of Immigration and Integration ng Ministry of Welfare, Natale Forlani, ang priyoridad ay ang pagbibigay ng trabaho, pagpapalago professionally para sa isang social mobility.

Ang mga gawain ng Ministry ay tumututok – ayon pa kay Forlani – sa tema ng isang convention ‘Lavoro e integrazione dei migranti’ – ukol sa mga programa para sa mga walang trabaho, hakbang para sa mga kwalipikasyon sa mga serbisyo at integrasyon ng mga menor de edad. Simula dito hanggang sa katapusan ng lehislatura ay kailangang matapos ang mga “aksyong nakalaan sa mga minors, mula sa North Africa emergencies kung saan naglaan ng 700 shelters na kasalukuyang kumukupkop sa 6,000 mga kabataan na inihingi na ng pondo sa budget bill”.

Sa ngayon – idinagdag pa ni Forlani – ang lawak ng mga serbisyo ay tinatayang magkakahalaga ng 55-60 million euros at 30 million euros upang muling mapondohan ito.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

28 nasawi sa pamamaril sa Connecticut, USA

Mga nasawi dahil sa bagyong Pablo, umakyat sa 955