Nilagdaan kamakailan ng Ministry of Labor ang mga patakaran na nauugnay sa domestic job. Acli Colf: "Mabuti, ngunit kinakailangan ang mga karagdagang hakbang para mapangalagaan ang maternity at bigyan ng allowance ang sick leave”.
Rome – Pebrero 24, 2014 – Ang mga colf, caregivers at babysitters ay mayroong bagong national agreement on domestic job. Pinirmahan noong Mayo 2013 ng mga asosasyon ng mga emlpoyers at unyon na ipinatutupad simula noong nakaraang Hulyo at balido hanggang katapusan ng taong 2016. Noong nakaraang Pebrero 20, isang mas mahalagang pagkilala rin ang tinanggap buhat sa Ministry of Labor.
"Noong Pebrero 20, 2014 sa harapan ni dating Undersecretary Carlo Dell’Aringa ay ipinagtibay ang National Agreement na sumusaklaw sa domestic job”, ayon sa Federazione Italiana Datori di lavoro domestico Fidaldo, bahagi ng Confedilizia, na nag-uugnay sa mga asosasyon tulad ng Assindatcolf, Nuova Collaborazione, A.D.L.D. at A.D.L.C.
"Ang pangunahing pagbabago sa kasunduan ay para sa mga colf, caregivers at babyysitters na araw-araw ay nagbibigay ng serbisyo gayun din sa pangangalaga sa ating mga tahanan. Ang pagbabagong ito ay mkakatulong upang mapabuti ang bawat domestic job”, tulad ng mababasa sa note verbale.
"Sa bagong kontrata – paalala ni Fidaldo – ay pamamahalaan, halimbawa ang pamamaraan ng pagbibigay ng weekly day-off para sa mga naka-live in at mga part timers, at para rin sa mga “mananampalataya ay nasasaad din ang pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang paniniwala sa relihiyon ng hindi araw ng linggo”. Bukod dito, higit na atensyon para sa mga non-self sufficient person, upang masigurado ang kumpletong alaga (7 days a wk), ay ibinigay ang karapatan sa employer na mag-hire, sa mas mababang halaga – ang karagdagang caregiver na may limitadong obligasyon tulad ng pagta-trabaho sa araw ng day off ng unang caregiver”.
Kahit para sa Acli Colf, ang pagtitibay kamakailan ay isang mahalagang hakbang. “Isang uri ng institutional seal ng bagong kasunduan, na kinikilala ng Ministry of Labor ang kahalagahan at nagpakita ng pagpapahalaga sa lahat ng kategorya. Hiniling namin ang pagpapahalagang ito ng ilang buwan”, ayon kay national head Raffaela Maioni.
Ngunit binigyang-diin ni Maioni na ang renewal ng kasunduan at ang countersigned sa parte ng gobyerno ay hindi natutugunan ang kahilingan ng mga colf, babysitters at caregiver.
"Batay sa Ilo Convention para sa disenteng trabaho, upang tunay na maitulad ang mga domestic workers sa lahat ng mga workers ay kulang pa rin ang kabuuang proteksyon sa maternity at ang pagkilala sa indennità di malattia (o allowance sa sick leave). Ang gobyerno – ayon kay Maioni – ay kailangang gawin ang angkop na hakbang sa pulitika ng paggawa at welfare, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga pamilya upang tuluyang makamit ang regularities ng trabaho”.