Batay sa pag-aaral ng Immigration Department. "Ang labor demand ay sapat para sa mga dayuhang kasalukuyang nasa Italya. Higit na pagtibayin ang mga palatuntunan at mga serbisyo para sa trabaho"
Roma, Disyembre 6, 2013 – Higit na naapektuhan ng krisis sa ekonomiya ang mga dayuhang manggagawang nasa Italya. Nabawasan ang mga job opportunities buhat sa mga kumpanya, mabilis na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, at tila walang pagbabago sa susunod na panahon. Ang pagpasok ng human resources buhat sa labas ng Italya sa pamamagitan ng bagong ‘direct hiring’ ay lilikha lamang ng ‘sulutan’ sa trabaho o ang kilalang ‘guerra tra i poveri’. Ang priyoridad sa kasalukuyan ay ang tulungan ang mga nasa Italya na at nawalan ng trabaho, bago ang tuluyang maging irregular at mawalan ng permit to stay.
Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng Immigration Department and Political Integration ng Ministry of Labour na inilathala kamakailan: “Il mercato del lavoro dei lavoratori stranieri in Italia nel secondo trimestre 2013”.Ang may-akda ay ang mga experts na tinawag upang suriin kung paano muling bubuksan ang bansa para sa mga new entries at ang kanilang opinyon, kahit na ang ‘last word’ ay nasa pulitika pa rin at tiyak na muling ilalagay nito sa programa.
Ang datos
Sa second quarter ng taong 2013, ang employment rate ng mga dayuhan ay 58.1 %, kumpara sa 55.4 % na naitala ng mga Italians, datos na sa nakaraang 3 taon ay patuloy na bumababa. Kumpara sa second quarter ng taong 2012, ay bumaba ng 1.2 para sa mga Italians at 3.5 naman para sa mga imigrante.
Kasabay nito, ang pagtaas naman ng unemployment rate ng mga imigrante na umabot sa 17.9%, kumpara sa 11.3% naman ng mga Italians. Ayon sa Ministry, 511,000 ang mga imigrante (157,000 EU nationals at 354,000 non-EU nationals) ang naghahanap ng trabaho sa second quarter ng 2013, isang mabilis na pagtaas mula 371,000 kumpara noong nakaraang taon.
Tumaas din sa bilang ang mga tinatawag na ‘inactive’, 1.250,000 ang mga may edad na dapat magtrabaho na hindi naghahanap ng trabaho. Dito ay kabilang ang mga kabataang dumating sa pamamagitan ng family reunification o ang mga ipinanganak o lumaki sa Italya, gayun din ang mga refugees na dumating sa bansa. Ang bilang na nabanggit, ay maaaring simulan ang paghahanap ng trabaho at maaaring makadagdag sa bilang ng mga unemployed.
Ayon pa rin sa Ministery, mayroong 123,000 imigrante ang kasalukuyang nasa ‘cassa integrazione’, 16,000 ang tumatanggap ng ‘indennità di mobilità’ at 185,000 ang tumatanggap ng ‘indennità di disoccupazione’. At tinatayang 56.8% lamang ng mga non-EU nationals na walang trabaho at 59.2% naman ng mga EU nationals (kumpara sa 80% ng mga Italians) ang nagpatala sa Centro per l’Impiego. Sa kabila ng pagiging mahalagang hakbang upang muling makahanap ng trabaho, sa pamamagitan ng orientation, consultation at formation.
"Ang labor market ng mga dayuhan, para sa mga EU at non-EU nationals ay apektado ng pagbaba ng labor demand at ito ay kinumnpirma ng kabuuang bilang ng trabaho sa iba't ibang sektor”, ayon pa sa pag-aaral.
Ang tanging mga sektor kung saan lumalawak ang manpower ng mga imigrante ay sa entrepreneurship (+26% EU workers sa isang taon) at sa service sector (+5.3% non-EU nationals). Bumaba naman sa konstruksyon (-2.9% mga Italians, -8.2% EU nationals, -14.4% non-EU nationals sa 1 taon) at sa industriya naman (-1.9% sa mga Italians, -8.2% sa mga EU nationals at – 7.3% para sa mga non-EU nationals).
Konklusyon
"Ang buong kwadro ay naglalarawan- ayon pa sa mga experts- ng pagpapatuloy ng krisis sa labor market, at higit pa dito, ang pagkakaroon ng recession sa ilang sektor. Sa isang banda, ang patuloy na pagbaba ng labor demand at mabilis na pagtaas sa bilang ng mga naghahanap ng trabaho, ay naglalarawan na ang labor supply ay maibibigay ng mga dayuhang nasa Italya na at ito ay higit pa sa sapat.
"Ang hinihintay na labor demand – ayon pa sa ulat – ay maaaring masasagot sa iba’t ibang sektor, lugar at antas kabilang ang domestic sector ng available job supply, kahit sa kawalan ng new entries sa pamamagitan ng yearly direct hiring”. Samantala, may panganib na sa pagtaas ng supply ay magkaroon ng tensyon sa merkado at higit na maghatid ng irregular job” at ito ay higit na makakaapekto lalong higit sa mga regular na imigrante na walang trabaho.
“Ang panuntunan sa trabaho – pagtatapos ng Ministry of Labour – ay samakatuwid dapat na nakatuon sa bilang ng mga walang trabaho na dumami sa mga huling taon at sa pagpapahusay ng mga aktibong serbisyo para sa trabaho upang mabawasan ang magkakasalungat na impormasyon”.