in

Miraglia “Codice fiscale dapat ibigay sa lahat”

"Ito ay isang paraan upang maprotektahan ang mga minors at matiyak ang pagkakapantay-pantay ng mga manggagawa. Noong 90s ay iba ang ipinatutupad na pamamaraan, pagkatapos ay pinalitan”.

Rome – Enero 25, 2013 -. "Isang magandang balita na ang Ministry ay nilinaw na ang mga anak ng mga undocumented ay maaaring magpatala sa paaralan gamit ang dating pamamaraan ng enrollment. Sa usaping may kinalaman ang ugnayan ng Public Administration at mga dayuhan ay dapat pangalagaan ang kapakanan ng mga minors.”

Ito ay ang ipinahayag ng Immigration leader ng ARCI na si Filippo Miraglia, ukol sa mga bagong pamamaraan ng pagpapatala online o ang online enrollment,  na hindi kabilang ang mga imigrante na walang fiscal code o codice fiscale. Ngunit ang batas para sa releasing ng fiscal code, ayon kay Miraglia ay nangangailangan ng pagbabago.

"Noong  90s – paalala ni Miraglia – ang mga dayuhan na nagtataglay ng anumang uri ng dokumento ng pagkakakilanlan  ay maaaring mag-aplay sa Revenue Office ng fiscal code. Simula taong 2000, ang batas ay pinalitan, ngunit tila dapat muling ibalik, upang maiwasang maapektuhan ang mga minors ng irregularities ng mga magulang.”

"Ang mga kaganapan kamakailan, gayunpaman, ay naging sanhi ng isang ‘pagninilay-nilay’ na sa Italya ay mayroong presenya ng mga undocumented, samakatwid irregulars sa harap ng batas. Ngunit kinakailangan – pagpapatuloy pa nito – na ang irregularities ay hindi maging hadlang upang magkaroon ng fiscal code, para na rin mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan”.

"May ilang hatol ang Korte Suprema na naglilinaw, tulad ng, sa trabaho, ang undocumented ay dapat na ituring katulad o kapantay ng lahat ng mga workers – pagpapaalala pa ng responsible ng ARCI – At dahil mayroong pantay na karapatan, ang undocumented samakatwid ay dapat na mayroong fiscal code para sa posibleng posisyon sa kontribusyon. Umaasa kami – pagtatapos pa ni Miraglia – sa kabila ng irregularities sa permit to stay, ay dapat normal ang magkaroon ng fiscal code”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Enrollment ng anak ng mga undocumented, isusumite sa paaralan

Isa akong mag-aaral. Maaari ba akong magpatala sa Sistema Sanitario Nazionale?