Hinadlangan ng mga residente ang isang pamilya ng imigrante na pumasok sa apartment na sa kanila ay itinalaga. Racism at ang ilegal na paninirahan, pinaghihinalaang dahilan.
Roma, Disyembre 7, 2016 – “Hindi namin tanggap ang mga itim at dayuhan dito, Italyano lang!”. Ito ang naging pagtanggap kahapon ng umaga sa isang Moroccan family na may tatlong anak ng mga residente ng San Basilio, Roma.
Ang ama, isang normal na manggagawa na kumikita ng 12,000 euros kada taon, ang ina ay walang hanapbuhay at mayroon silang 3 anak, 1, 3 at 7 taong gulang. Ang pamilya ay pinagkalooban ng pampublikong pabahay ng Azienda Territoriale per l’Edilizia Residenziale. Ang apartment ay inilaan sa pamilya matapos mabawi ng kumpanyang nabanggit mula sa mga squatters na ilegal na nanatili dito.
Ngunit ng dumating ang pamilya sa Via Filottrano, ay hinarangan ang entrance ng mga residente ng mga kalapit na condominiums kasabay ang pang-iinsulto at banta sa pamliya. Rumisponde ang local police ng Roma Capitale at nagmatigas at lumaban ang mga nagpo-protesta. Ang ilan ay kinilala at kinasuhan ng rasismo.
Maaaring magpumilit ang local police ngunti ang Moroccan family ay piniling tanggihan ang labana ang kanilang mga future neighbors. Pinaghihinalaan ng awtoridad na naganap ay upang proteksyunan ang interes ng sindikato ng mga squatters.