in

Mos Maiorum sinimulan na!

Hindi sang-ayon ang Arci at Cir sa operasyong sinimulan ng European police. "Isang malaking racist operation laban sa mga nakaligtas sa paglubog ng barko" 
 

Rome – Oktubre 13, 2014 – Sinimulan ngayong araw na ito at magpapatuloy hanggang Oktubre 26 ang “Mos Maiorum operation” (literal na nangangahulugang kaugalian ng mga ninuno). Labing-walong libong mga ahente ng pulisya ang tumutugis sa mga undocumented sa buong Europa upang makakuha, tulad ng opisyal na layunin nito, ng mga mahahalagang impormasyon upang labanan ang human trafficking. Samantala, maraming mga asosasyon na kaagapay ng mga migrante at mga refugees ang hindi sang-ayon sa nasabing operasyon. Ayon sa Arci, halimbawa, ito ay isang pag-uusig at rasismo. “Sampung araw matapos ang commemoration ng trahedya sa Lampedusa noong 2013, ay inilunsad ang isang tunay na panghuhuli sa mga migrante sa pangunguna ng Ministry of Interior sa tulong ng Frontex at Europol”. 
 
“Isang malawakang pagsalakay sa buong Europa”, ayon sa pahayag ng Arci, na nananawagan para sa higit na transparency. '' Bukod sa katotohanang tila hindi nabigyang babala ang European parliament ukol sa proyektong ito, – bilang karagdagan – ang kawalan ng linaw ukol sa legalidad ng mga kontrol na ito at ang kawalan ng linaw ng pagsasakatuparan ng buong operasyon. Walang impormasyong ibinigay kung paano gagamitin ang mga impormasyong ito at kung ito ay susundan ba ng pagpapatalsik”. 

 
“Huling pabigat sa mga nakaligtas sa paglubog ng barko” ayon sa Italian Council for Refugees, “Hindi lamang dahil sa hindi na sila makakapasok ng normal at ligtas sa Europa, hindi lamang dahil babayaran nila ang mga human trafficers ngunit nanganganib rin ang kanilang buhay sa paghingi ng asylum dito matapos makarating sa pampang ng isa sa mga bansa ng Mediterranean ay hindi sila maaaring makapasok ng regular sa kanilang bansang pupuntahan kung saan mayroong kamag-anak na naghihintay at tutulong. Ngayon ay kailangan nilang magtago at tumakas mula sa mga awtoridad na simula ngayong araw na ito ay naghahanap sa kanila”. 
 
“Sa kasamaang-palad – tulad ng isinulat ni Christopher Hein, ang director ng Cir: isang bahagi ng European politics, na syang nag-utos sa awtoridad, ay naghangad na magbigay ng isang malinaw na salungat na mensahe sampung araw pa lamang ang nakakalipas mula sa deklarasyon sa Lampedusa maging ng Pangulo ng European Parliament, Martin Shultz kasama ang Pangulo ng Chamber of Deputies, Laura Boldrini ukol sa pangangailangang lawakan ang mga humanitarian access sa mga refugees sa Europa, bilang promosyon ng higit na pakikiisa ng bawat Member State at ang ipagpatuloy ang operasyon ng pagsagip ng buhay sa karagatan bilang bahagi ng Mare Nostrum", 
 
"Sa buhay ng mga refugees at mga asylum seeker – dagdag pa ni Hein – ay nababatay ang pakikibakang politikal ukol sa hinaharap na direksyon ng EU at ng bawat Member State na may paggalang sa mga pangunahing tema tulad ng international protection, asylum right at human right”. At ang pag-asang dumating rin ang isang rebolusyon sa labor market. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Malawakang operasyon ng Mos Maiorum

Ako ay umuupa ng apartment, dapat ba akong magbayad ng TASI?