in

Mula 18 buwan sa 3 buwang pananatili sa Cie, aprubado sa Kamara

Mula isang taon at kalahati sa 3 buwan. Isang mahalagang pagbabago. 
 

Roma- Oktubre 24, 2014 – Nagtagumpay ang Parliyamento na bawasan ang panahon ng pagkakakulong sa Cei o Centri di Identificazione ed Espulsione ng mga natatanging pagkakasala ay ang kawalan ng permit to stay. Simula sa ngayon, “hindi na maaaring lumampas sa 90 na araw ang pananatili at kung sa loob ng panahong nabanggit ay hindi mari-repatriate ay kailangang pakawalan ang dayuhan”. 
 
Ito ay nakasulat sa European law 2013 bis na inaprubahan nitong Lunes ng Chamber of Deputies at hinihintay na lamang ang opisyal na paglalathala nito sa Gazzetta Ufficiale. 
 
Matatandaang ang Lega Nord ang nagsulong ng 18 buwang pagkakakulong sa Cei sa ilalim ni dating Minister of Interior Roberto Maroni. Ang haba ng panahong nabanggit, ay hindi nagdulot na madaling expulsion. Sa katunayan wala pa sa 50% ng mga ikinulong ang napa-uwi sa sariling bansa, at bagkus ay naging sanhi lamang ng higit na tensyon at kawalan ng pag-asa, at samakatwid riot at pananakit sa sarili ng mga nakukulong dito.

 
"Isang magandang balita ang bawasan ang panahon ng pagkakakulong sa Cei”, ayon sa komento ni PD Senator Luigi Manconi, isa sa mga may-akda ng susog kasama ni Sergio Giudice  sa 90 araw. 
 
"Ang pagbabawas sa panahon – ayon sa pagkakasulat ni Manconi – ay maaaring maging sanhi ng pagbalik  sa iisang layunin ng Cei: pansamantalang lugar hanggang sa tuluyang makilala at posibleng repatriation ng dayuhan, at maiwasan ang walang kabuluhang pagkakakulong ng sinumang mahuhuli hindi dahil may ginawang krimen kundi dahil sa administrative irregularities nito. At dahil  dito ay dumadanas ng di makataong pagtingin na lalong nagpapababa sa kanilang pagkatao”. 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Berlusconi sang-ayon sa citizenship matapos ang isang educational stage

Tatlong certified email addresses para sa aplikasyon ng citizenship