in

Mula bonus bebè hanggang assegni familiari, ang handbook ng mga social benefits mula sa Asgi

Ang handbook mula sa Asgi na nagpapaliwanag ng bawat requirements para sa bawat sitwasyon, ang kasalukuyang sitwasyon nito o ang dapat na estado nito. Tinanggihang karapatan, narito kung paano haharapin. 

 

 

Enero 3, 2017 – Ang bonus bèbè ay para din ba sa mga imigrante? Anu-ano ang mga requirements? Ang assegno familiare o ang maternità? Paano naman ang carta acquisti? 

Narito ang vademecum na inilathala ng Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione na magbibigay ng mahahalagang detalye sa mga dayuhan ukol sa mga benepisyo o social services. Layuning “matulungan ang mga operators sa pagbibigay linaw sa kumplikadong proseso nito”.

Ito ay pitong pahina na nagpapaliwanag ng bawat kaso, ang kasalukuyang sitwasyon nito ng ayon sa batas (kung sino ang may karapatan at sa kung anong benepisyo) at kung ano na ang dapat na estado nito. 

Ngunit sa katunayan, sa iba’t-ibang sitwasyon, upang mapatunayan ang karapatan ay walang ibang solusyon kundi ang lumapit sa hukuman. Tulad ng ‘bonus bebè, para sa Inps, sa hindi pagpapatupad ng batas ng Europa, ay patuloy na ipinagkakait ito sa sinumang walang carta di soggiorno, maliban na lamang sa pagbibigay nito kasama ang anumang interes matapos  ang lumapit sa hukom. 

Ang handbook – paliwanag ng Asgi – ay nagtataglay ng mga requirements na hinihingi ng batas upang matanggap ang bawat benepisyo, sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kategorya na pormal na tinanggap lakip ang pinagbatayang batas at kung anu-ano ang mga ito hanggang sa kasalukuyan, pati na ang mga suliranin o ang mga hindi makatarungang tinanggihang benepisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alituntunin na dapat gawin ukol dito”. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Raids at deportation sa paghahanap ng mga undocumented!

Selection ng higit sa 1,000 volunteers para sa Servizio Civile, kabilang ang mga imigrante